Mala-fairy tale proposal ng BF sa nobyang paborito ang "Sleeping Beauty", viral

Mala-fairy tale proposal ng BF sa nobyang paborito ang "Sleeping Beauty", viral

-Viral ang mala-fairy tale proposal ng BF Sa kanyang nobya na paborito ang pelikulang "Sleeping Beauty"

- In-edit ng BF ang iconic scene ng pelikula kung saan nagising na ang natutulog na prinsesa

- Ginawa niyang kamukha nila sina Sleeping Beauty at prinsipe nito para maisingit nag kakaibang proposal

- Aminado ang mga netizens na nakaramdam sila ng pagkainggit lalo na ang mga kababaihan sa ginawa na ito ng lalaki para sa nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay online ang nakakakilig at kakaibang wedding proposal ni Lee Loechler sa high school sweetheart niya na si Sthuthi David.

Sa kanya mismong Facebook page, binahagi ni Lee ang kakaibang marriage proposal na hinanda niya para sa nobya sa loob ng anim na buwan.

Sa video, makikitang nanonood ang magkasintahan ng "Sleeping Beauty" na paborito pala ni Sthuthi.

In-edit kasi ni Lee ang iconic scene nito kung saan nagising na si Sleeping Beauty.

Ginawa ni Lee na kamukha nila ang mga karakter para magawa ang mala-fairy tale na proposal.

Doon na nagsimulang magduda ang nobya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang kunwaring itinapon ng prinsipe kay Lee ang singsing, doon na nagsigawan ang mga tao sa sinehan.

Gulat na gulat si Sthuthi sa sumunod na mga pangyayari.

Di rin niya kasi namalayang mga kamag-anak pala nila at mga kaibigan ang laman ng sinehan.

Nakamit naman ni Lee ang matamis na oo ng kanyang nobya.

Samantala, nakaramdam daw ng inggit ang mga netizens na nakapanood ng video lalo na ang mga kababaihan.

Narito ang kabuuan ng video:

Umabot na sa mahigit 1.3 million ang views ng cute na wedding proposal na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel