Ama, hinangaan sa pagsalba sa anak sa sana'y "special number nito sa kanyang 7th birthday

Ama, hinangaan sa pagsalba sa anak sa sana'y "special number nito sa kanyang 7th birthday

- Viral ang ginawa ng ama para sa kanyang anak na nagdiriwnag ika-7 kaarawan

- Biglang nahiya ang anak sa dapat at sayaw niya para sa kaarawan

- To the rescue naman ang ama na siyang sumayaw at sinamahan ang anak

- Hinangaan ng netizens ang ama dahil imbis na pagalitan ang anak, niyakap pa niya ito at sinamahan pang magsayaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ng isang ama na todo hataw sa pagsayaw sa party ng kanyang anak.

Binahagi ni Cyndel Jhoy na ina pala ng bata, ang video sa kanyang Facebook page.

Todo puri niya ang kanyang mister na sinamahan ang kanilang anak sa sana'y special number nito sa kanyang birthday.

Mapapansing di na halos gumalaw ang bata dahil pala sa sobrang hiya.

Marahil ay di raw ito sanay sa maraming tao kaya naman hindi na nakapagsayaw.

Kaya naman, to the rescue ang kanyang ama at ito na lamang ang sumayaw para sa mga panauhin.

Imbis na pagalitan, niyakap pa ng tatay ang nag-iyak nang anak at hinikayat paring magsayaw.

Kalaunan, sumama na rin ang ina ng bata at nakisayaw na rin sa dalawa para na rin lumakas ang loob ng bata.

Kahit tila nangangapa sa steps, todo hataw pa rin ang ma para lamang ganahan pa rin ang kanyang anak.

Di nagtagal, nakisayaw na rin nag ilang bisita, at doon ay napangiti na ang may kaarawan at bahagyang sumayaw na rin.

Maging ang mga netizens ay bumilib sa ginawa ng ama na nangangahulugan lamang daw na kahit ano ay gagawin nito para sa anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Sweet dad, lahat gagawin para sa baby"
"Di talaga iniwan ni Daddy ang kanyang little girl"
"Imbis na pagalitan, niyakap pa niya o, kung sa ibang parents yan pinagalitan na ang anak e"
"Hahahahahaha performance level yung daddy, hindi kaya kaya naiyak yung bata kasi naagaw moment niya? hehehehe. Good job daddy"
"Kakatuwa yung tatay, talagang di iniwan sa ere yung anak"

Umabot na sa ang mahigit 870,000 ang views ng viral video na ito:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel