Natagpuang bangkay sa Cebu, iniimbestigahan kung may kaugnayan sa Silawan case

Natagpuang bangkay sa Cebu, iniimbestigahan kung may kaugnayan sa Silawan case

- Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa kaso ni Christine Silawan ang bangkay na natagpuan nitong umaga ng Biyernes

- Ayon sa ulat, halos katulad ng karumal-dumal na paraan ng pagpatay sa lalaking biktima

- Isang magsasaka umano ang siyang nagreport sa mga pulis ng nakitang bangkay bandang alas-7 ng umaga

- Batay naman sa ilang residente sa lugar, mayroon umanong sakit sa pag-iisip ang biktima at madalas na nakikitang pagala-gala lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaki sa Carmen Town, Cebu na natagpuan ang bangkay ngayong umaga ng Biyernes.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung mayroong kinalaman ang krimeng ito sa kaso ni Christine Silawan noong 2019.

Ayon sa ulat ng SunStar Cebu, halos buong mukha nito ang nabalatan at halos kita na rin ang mga buto. Tinanggal din ang esophagus nito. Dinukot din ang mga mata nito.

Isa umanong magsasaka ang nag-report kaugnay sa nakitang bangkay sa Barangay Puente, Carmen Town bandang alas-7 ng umaga, ayon kay Carmen Police Station Chief Roger Quinano.

Base sa ilang pahayag ng mga residente sa lugar, mayroong sakit sa pag-iisip ang biktima at madalas na makita sa lugar na tanging suot lamang ay ang underwear nito.

Noong Marso ng nakaraang taon, sumambulat din sa publiko ang kalunos-lunos na sinapit ng dalagitang si Christine na natagpuan sa isang bakanteng lote sa Danao City, na naibalita na rin ng KAMI.

Unang naging suspek ang ex-boyfriend nito ngunit kinalaunan ay lumabas na isang 43-anyos na lalaki ang pumatay kay Christine, na kinilalang si Renato Llenes.

Sa isang report ng KAMI, sinabi nitong napatay niya ang biktima dahil hindi raw nagustuhan ni Christine nang malaman na siya pala ang ka-chat nito.

Gumamit daw kasi ito ng isang pekeng account sa social media para kaibiganin ang biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel