Isang nanay, nagulat nang malaman saan nakukuha ng Grade 1 na anak ang pera nito
- Isang nanay ang nagbahagi ng kanyang kakaibang karanasan sa kanyang anak na Grade 1
- Binibigyan ng nanay ang kanyang anak ng baon na pera araw-araw para sa pagkain nito
- Subalit, nagulat ang nanay nang umuwi ang kanyang anak at mas nadagdagan pa ang pera nito
- Natuwa rin naman ang mga netizens sa diskarte ng bata kung paano nadagdagan ang pera niya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tampok sa social media ngayon ang isang nanay sa Malaysia na nagulat sa pera ng anak niyang Grade 1.
Nalaman ng KAMI na akala ng ina ay kumukuha ng pera ang anak niya sa mga kaklase nito.
Subalit ayon sa ulat ng Rachfeed, may kakaibang diskarte ang bata para madagdagan ang baon niyang pera.
Ayon sa ina na si Puan Hasmi Samsuddin, binibigyan niya ang kanyang anak ng RM2 o P24.00 para baunin sa eskwelahan.
Kaya naman, labis ang gulat niya nang umuwi ang anak niya na may dalang RM4 o P48.00. Pero, mas nagulat siya nang tanungin ng bata kung nasaan ang alkansya niya at gusto niyang ipunin ang pera niya.
Nagtaka siya kung saan nang galing ang pera ng bata, agad naman niyang tinanong ito kung ito ba ay kinuha niya sa kanyang mga kaklase.
Sabi ng anak niya, hindi niya raw ito kinuha, ngunit kinita niya raw ito. Nagbebenta raw ang bata ng tipaklong sa eskwelahan nila.
Nagulat ang nanay dahil pinag-aaral niya raw ang kanyang anak upang matuto at hindi magbenta ng kung anu-ano sa mga kaklase niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, naaliw naman ang mga netizens sa diskarte ng bata para kumita ng pera at maka-ipon. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:
“Grateful. A wise child”
“This child is so lucky”
“Smart kid...”
“Parents need to support this child's pure effort.... already good at being independent”
“Small already have the quality of being an entrepreneur or a businessman.”
“Excellent child. You should be proud of him for being resourceful and more importantly, that he is honest.
I would love to offer such a budding entrepreneur a scholarship.”
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh