Bukod kay Jeanelyn Villavende, 1 bangkay pa ng Pinay ang uuwi mula Kuwait

Bukod kay Jeanelyn Villavende, 1 bangkay pa ng Pinay ang uuwi mula Kuwait

- Isa pang Pinay OFW sa Kuwait ang uuwi sa Pilipinas ngayong linggo na isa nang bangkay

- Ayon sa report na lumabas, nasagasaan ang biktimang kinilalang si Maryjoy Tajo

- Naisugod pa raw sa ospital si Tajo ngunit idineklara nang dead on arrival ayon sa opisyal ng Pilipinas sa Kuwait

- Naospital din daw ang Egyptian na nakasagasa rito

- Kasunod lamang ito ng pag-uwi ng mga labi ng umano'y napaslang na OFW na si Jeanelyn Villavende na naiuwi na rin ang labi sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa pang Filipina OFW sa Kuwait ang uuwi sa Pinas ngayong linggo, na isa nang malamig na bangkay.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumalabas na nasagasaan ng motorsiklo noong bisperas ng Bagong Taon ang biktimang kinilalang si Maryjoy Tajo.

Naisugod pa raw ito sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ayon kay Vice Consul Adrian Audrey Baccay sa panayam dito ng GMA News.

Naospital din daw ang suspek na isang Egyptian.

"Magbibigay po tayo ng lawyer. Wala pong ibabayad po na ni-singko po ang pamilya po ni Maryjoy para po masiguro po na makakamit po ni Mary Joy ang hustisyang kanilang hinahanap," sabi ni Baccay.

Kasunod lamang ito ng madamdaming pag-uwi ng mga labi ng OFW na si Jeanelyn Villavende na diumano'y napatay ng kanyang amo sa Kuwait.

Huwebes ng umaga nang dumating ang mga labi ni Villavende sa General Santos City mula sa NAIA, na una nang naiulat ng KAMI.

Sinalubong ito ng mga kaanak at kaibigan nito na labis ang pighati nang makita na ang kahong kinalalagyan ng katawan ng napatay na OFW.

Ayon naman Administration Hans Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration, tiyak daw na matatanggap ng pamilya ni Villavende ang ayudang nararapat sa mga ito.

Nabanggit din nito na tila raw nagbago na ang posisyon ng Kuwaiti government sa kontrata para sa mga OFW doon na magbibigay ng proteksyon sa mga ito.

Nais daw ng Kuwait na isang standard contract na lamang para sa lahat ng OFW doon. Taliwas sa napagkasunduan noong 2018.

Pero sabi ng opisyal, hindi sang-ayon dito ang gobyerno ng Pilipinas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel