CP ni Jun Veneracion na may kuha ng riot ng pulis at deboto, hinablot ng heneral

CP ni Jun Veneracion na may kuha ng riot ng pulis at deboto, hinablot ng heneral

- Sa gitna ng parada para sa Itim na Nazareno nitong Huwebes, isang riot sa pagitan ng mga pulis at ilang deboto ang nakuhanan ng video ng GMA reporter na si Jun Veneracion

- Ngunit hindi na nito natapos pa ang pagkuha ng video dahil bigla na lamang hinablot ng isang pulis ang kanyang cellphone na kalaunan ay nakilalang si Police Brigadier General Nolasco Bathan

- Isinauli naman daw ang cellphone ni Veneracion ngunit burado na ang nasabing video

- Itinanggi naman ni Bathan na siya ang nagbura ng video

- Sa nasabing video na naretrieve sa pamamagitan ng "recently deleted" file, dinig pa ang isang lalaki na inuutos na burahin ang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng parada para sa Pista ng Itim na Nazareno nito lamang Huwebes, isang riot sa pagitan ng mga pulis at ng ilang deboto ang nakuhanan ng video ng GMA reporter na si Jun Veneracion.

Ayon sa ulat ng GMA News, natigil ito nang bigla na lamang hablutin ng isang pulis ang cellphone ni Veneracion at tsaka umalis.

Kinalaunan nakilala ang pulis na si Police Brigadier General Nolasco Bathan, hepe ng Southern Police District, na isinauli naman daw ang cellphone at humingi rin ng paumanhin sa mamamahayag.

Batay sa ulat, sinabi ni Bathan na hindi niya agad nakilala si Veneracion.

Pero napag-alaman naman na burado na ang nasabing video sa cellphone.

Ayon kay Veneracion, nang tinanong niya si Bathan ay itinanggi nito na ito ang bumura sa video.

“Wala akong binura dyan, saksi ko pa ang Itim na Nazareno,” ayon umano kay Bathan, base sa Facebook post ni Veneracion.

Ang naturang video ay naglalaman ng kuha ni Veneracion sa gulo sa pagitan ng mga awtoridad at ng ilang deboto.

Kita sa video na mayroong isang lalaking pilit na pinadadapa at sinasakal. Mayroon din ilang deboto na itinutulak ng mga pulis.

Samantala, na-retrieve naman ang video sa pamamagitan ng "recently deleted" file sa cellphone at ngayon nga ay naka-post na sa social media account ni Veneracion.

Madidinig dito na may isang lalaki na hindi pa tukoy ang nag-utos na burahin ang video na kuha ng reporter.

"Burahin mo, burahin mo kuha ni Jun Veneracion. P***** i** nagku-kwan eh," ayon sa boses ng isang lalaki na hindi na nakita pa sa video.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang pang ulat ng KAMI, pinatanggal naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng "epal" posters para sa Traslacion 2020 at nakiusap na huwag gawing opurtunidad ito para sa politika.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel