Ukraine plane crash, posibleng dahil sa mga missile ng Iran - US officials

Ukraine plane crash, posibleng dahil sa mga missile ng Iran - US officials

- Ayon sa ilang opisyal ng US, posibleng tinamaan ng missile ang nag-crash na Ukrainian International Airlines Boeing 737-800

- Nangyari ang insidente ilang oras matapos ang isinagawang missile strike ng Iran sa dalawang airbase housing ng US forces sa Iraq

- Base umano sa ilang US intelligence source ay may na-detect ang isang satellite na infrared "blips" ng dalawang missile launches bago ang pag-crash ng eroplano

- Una nang sinabi ni US President Donald Trump na hindi siya naniniwalang dahil sa "mechanical issue" ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano

- Mariin namang itinanggi ng Iran ang nasabing isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa ilang opisyal US, posible umanong tinamaan ng mga missile ng Iran ang nag-crash na Ukrainian International Airlines Boeing 737-800, ayon sa ulat ng BBC at CBS News.

Nangyari ang insidente ilang oras lang matapos may isinagawang missile strike ang Iran sa dalawang airbase housing ng US forces sa Iraq, pero iniimbestigahan na rin daw ng Ukraine kung posibleng dahil sa missile ang nangyaring plane crash na pumatay sa 176 na sakay nito.

Base umano sa ilang US intelligence source na may na-detect ang isang satellite na infrared "blips" ng dalawang missile launches bago ang pagbagsak ng eroplano.

Una nang sinabi ni US President Donald Trump na kahina-hinala ang nangyaring aksidente.

"I have my suspicions. It's a tragic thing when I see that, it's a tragic thing. But somebody could have made a mistake on the other side.

"Some people say it was mechanical. I personally, I don't think that's even a question, personally. So we'll see what happens.

"Something very terrible happened. Very devastating," ayon kay Trump.

Ayon pa sa ulat, sinabi ng security and defence council ng Ukraine na si Oleksiy Danylov nitong Huwebes na mayroon na silang apat na "possible causes" na kinokonsidera.

Samantala, ayon naman sa Civil Aviation Organisation (CAOI) chief na si Ali Abedzadeh na mayroong mga witness na nagsabing umaapoy na ang eroplano bago pa man ito mag-crash.

"The plane, which was initially headed west to leave the airport zone, turned right following a problem and was headed back to the airport at the moment of the crash," anito.

"Several domestic and foreign flights were flying in Iranian space at the same altitude of 8,000ft (2,400m). The issue of the missile's impact on the aircraft cannot be true in any way," dagdag pa ni Abedzadeh.

Una nang naiulat ng KAMI ang kalunos-lunos na aksidente na pumatay sa lahat ng sakay ng eroplano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel