Mang Inasal crew na pinakain ang matandang pulubi, hinangaan ng marami

Mang Inasal crew na pinakain ang matandang pulubi, hinangaan ng marami

- Viral ang mga larawan ng Mang Inasal crew na di nagdalawang isip na pakainin ang matandang pulubi

- Napansin daw nilang nasa labas ng fast food ang matanda at nilapitan ito ng crew

- Nang malaman nitong di pa kumakain ang matanda, pinapasok niya sa restaurant ang matanda at pinakain

- Umani ng papuri ang ginawa na ito ng crew na sana raw ay mabigyan ng pagkilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-pansin sa social media ang mga larawan ng Mang Inasal crew na di nagdalawang isip na tulungan ang matandang pulubi.

Binahagi ng Social viral updates ang larawang kuha ng isang netizen na saksi sa kabutihang pinakita ng crew sa matanda.

Nakita raw ng crew ang lolo na nasa labas lamang ng Mang Inasal. Nilapitan niya ito at nang malamang di pa pala ito kumakain, agad niya itong pinapasok sa fast food.

Umorder ang crew ng pagkain para sa matanda at pinagsilbihan na para talagang isang customer.

Ayon pa sa nakasaksi, tila raw matagal na itong ginagawa ng fastfood na iyon sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis na humanga ang mga netizens sa kabutihang ginawa ng mga crew na sana raw ay pamarisan din ng ibang tao:

"Kayo po yong totoong anghel sa Lupa.. God bless"
"Sadyang mga mabait talaga ang taga inasal,God bless u boy, bahala na si Lord sau, Good job"
"Good job mang inasal crew sana may katulad pa ninyo"
"Mabuhay ka crew ng Mang Inasal si lord na bahala sau sa kabutihan mo i salute U a million times"
"Mabuhay ka crew ng MANG INASAL si lord n bahala sau sa kabutihan mo i salute U a millions time"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel