Bunga ng sariling sikap: Anak ng magsasaka, Top 9 sa criminology licensure exams

Bunga ng sariling sikap: Anak ng magsasaka, Top 9 sa criminology licensure exams

- Top 9 sa 19,000 na kumuha ng criminology licensure test ang anak ng magsasaka na si Adrian S. Mandawe

- Siya ang pinaka-unang nagtapos ng kolehiyo sa kanilang pamilya at siya rin ang unang propesyunal sa kanila

- Inspirasyon si Adrian sa karamihan sa tindi ng sakripisyo nito mapagtagumpayan lamang ang pag-aaral na nagbunga naman ng maganda

- Masasabing determinadong tao talaga si Adrian na ang isa pang sikreto ay ang pag-iwas niya sa anumang masamang bisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Top 9 ang anak ng magsasaka na si Adrian S. Mandawe sa criminology licensure exam na ginanap noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon sa ulat ni Leah Agonoy ng Inquirer, Enero 8 nang lumabas ang resulta ng test kung saan nasa 19,000 ang kumuha nito.

Nalaman ng KAMI na hanggang 15 na araw lamang ang kayang bayaran ni Adrian para sa review center.

Kaya naman matinding sakripisyo ang kanyang ginawa sa pagre-review niya sa 12 oras kada araw, sa loob ng limang buwan bago ang pagsusulit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbunga naman ito ng magandang resulta kahit pa hindi naisakatuparan ang ninanais niyang maging Top 1.

Kwento pa ni Adrian na pang-anaim sa pitong magkakapatid, siya ang pinaka-unang nakapagtapos ng kolehiyo at ngayon ay isa na ring ganap na propesyunal.

Tunay na kahanga-hanga ang mga pagsisikap na ito ni Adrian at di rin niya binigo ang kanyang pamilya na nagsakripisyo rin upang siya ay mapagtapos.

Isa rin sa sikreto ng kanyang tagumpay ay ang kawalan ng anumang bisyo sa katawan.

Kaya naman payo niya sa mga tulad niyang minsan lang nangarap; “Aim high since dreaming is free.”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel