Mayor Isko Moreno, pinaalis ang lahat ng "epal" posters para sa Traslacion 2020

Mayor Isko Moreno, pinaalis ang lahat ng "epal" posters para sa Traslacion 2020

- Ipinatanggal ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng "epal" posters para sa Traslacion 2020

- Ayon kay Mayor Moreno, lahat ng mga printed greetings ay itinuturing na "obstructions" sa lungsod

- Pakiusap pa ng alkalde, na panatilihing taimtim ang paggunita sa Traslacion ng Itim na Nazareno

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinatanggal ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang lahat ng tinatawag nitong "epal" tarpaulins, posters at printed greetings para sa Traslacion 2020.

Ayon pa kay Mayor Isko sa isang press conference bago ang pinakamalaking religious procession sa bansa, ang lahat ng ito ay itinuturing na "obstruction" sa lungsod.

Nakiusap pa ang alkalde na panatilihing taimtim ang pagdiriwang ng Pista ng itim na Nazareno at huwag gamiting opurtunidad para "umepal".

"All your greetings will be considered obstructions. We will tear it down. Walang eepal," anito. "Let’s make this solemn, this is not about opportunity."

Sa isang Facebook post ng Manila Public Information Office, ibinahagi rin nang pag-aalisin sa isang barangay ang lahat ng mga posters at tarpaulins ng mga politiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, 10 oras na lamang ang itatagal ng procession mula sa 21 oras noong nakaraang taon ayon sa utos ni Mayor Isko.

Ipinag-utos din nito sa mga awtoridad na i-clear mula sa mga nakaparadang sasakyan at mga vendors ang ruta na dadaanan ng Black Nazarene.

Ilan lamang ito sa mga pagbabagong nais ng alkalde para maging mas maayos ang Pista.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens:

"You're great Mayor Isko, great Leader indeed! You stand in your faith together with all the Devotees of the Poong Jesus Nazareno.The celebration is solemn moment with the Father Jesus not with the eepal."
"Good work para hindi mukha carnival, religious rites."
"Sir wag po sana kayong magbago ng pananaw, sa inumpisahan mong ikinalulugod ng nakararaming masang pilipino."
"Tama lng po yan."

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, pinakyaw ni Mayor Isko ang panindang suman ng isang matandang vendor upang huwag na itong magtinda sa araw ng Traslacion 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel