Nobyo, nagpropose sa kanyang GF sa kasagsagan ng Traslacion 2020

Nobyo, nagpropose sa kanyang GF sa kasagsagan ng Traslacion 2020

- Lakas loob ng nag-propose ang BF sa kanyang nobya sa kasagsagan ng Traslacion 2020

- Parehong deboto ang dalawa at balak nilang magpakasal sa Marso ngayong taon

- Naniniwala ang mga netizen na magiging maganda ang pagsasama ng dalawa lalo pa at ipinagpapasa-Diyos nila ang kanilang relasyon

- May ilan din namang nagbahagi ng kanilang kwento kung bakit ganoon na lamang ang pananampalataya nila sa Poong Itim na Nazareno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang mga larawan ng magkasintahang sina Kim Noel Yamat at Mary Joie Flores dahil sa kanilang engagement na naganap sa kasagsagan ng Traslacion 2020.

Binahagi ng Manila Public Information Office ang larawan ng dalawa kung saan suot na ni Mary Joie ang kanyang engagement ring.

Parehong 23 anyos ang dalawa at pareho rin silang mga deboto ng Itim na Nazareno.

Balak nilang magpakasal sa Marso ngayong taon.

Naniniwala ang mga netizens na magiging maganda ang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa dahil sa ipinagpapasa-Diyos nila ang kanilang relasyon at hayagan nila itong pinapakita sa pagsama sa Traslacion.

Samantala, ilang mga deboto ay nagbahagi rin ng kani-kanilang mga kwento sa pagiging deboto sa Itim na Nazareno.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gaya na lamang ng testimonya ni Carmela Camara na naniniwalang ang Itim na Nazareno ang nagpagaling sa kanyang ina na noo'y nasa bingit na ng kamatayan.

Inakala raw nilang di na tatagal ang ina ngunit laking gulat nila nang maging normal na ang blood pressure nito at nakalakad na rin ng maayos.

Dahil dito, patuloy pa rin ang panata nila sa Nazareno sa pakikilahok sa Traslacion.

Isa rin si Rolly Dumapias na namanata sa Poong Nazareno. Dalawang taon daw siyang walang trabaho ngunit nang siya ay lumuwas at nag-apply sa isang agency para makapag-abroad.

Laking pasalamat daw niya sa Itim na Nzareno dahil sa anim na nag-apply, siya lamang daw ang natanggap.

Ang Traslacion ay isang pagdiriwang kung saan ang imahe ng Itim na Nazareno ay pinoprusisyon patungong simbahan ng Quiapo tuwing Enero 9 kada taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel