Wow mali! Binatilyong guest sa Eat Bulaga, viral nang mapagbintangan nakabuntis

Wow mali! Binatilyong guest sa Eat Bulaga, viral nang mapagbintangan nakabuntis

- Hindi inaasahan ng Dabarkads ang nakakalokang eksena sa isang episode ng kanilang segment na "Bawal Judgemental"

- Nagkaroon kasi ng kalituhan nang magkamali ang impormasyon sa kung sino ang mayroon nang anak sa mga naimbitahang guests sa nasabing segment

- At ang isa sa mga binatilyong guest ay tila nalito rin nang lumabas na siya ay "nakabuntis"

- Talaga namang windang ang lahat sa 'di inaasahang pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi inaasahan ng Dabarkads ang nakakalokang eksena sa isang episode ng segment ng Eat Bulaga na "Bawal Judgemental".

Ang aktres na si Sam Pinto ang celebrity judge na siyang huhusga sa ilang binatang naimbitahang guests sa nasabing segment.

At sa katanungang sino sa mga ito ang mayroon ng anak, nagkaroon ng kalituhan nang ang guest na si Kyle ay mali ang impormasyong nailagay.

Nagkapalit ng naibigay na "reveal card" kay Kyle at sa isa mga kasama nitong guests.

Nakakaaliw din ang reaksyon ng binatilyo nang makita ang hawak at sinakyan na lamang ang pangyayari.

Maging sina Jose Manalo at Maine Mendoza ay nagulat din sa kaganapan.

Ngunit kinalaunan ay inamin din ng binatang si Kyle na nagkamali ang impormasyong naibigay sa kanya.

Nagkalituhan man, itinama naman ng Dabarkads ang pagkakamaling ito.

Aliw na aliw din ang mga hosts na sina Vic Sotto at Joey de Leon lalo pa nakisakay pa noong una ang binatilyo.

Viral ang episode na ito at ayon sa mga netizens ay maayos na na-handle ng mga hosts ang pagkakamali.

"Only in EB... Stress reliever kyo talaga.., na wow mali on the spot."
"Kaya pala pinag isipan pa yung 2 months."
"nakakatuwa umamin para lang maging tama yung nakalagay sa hawak nya...mabait na bata."
"Ahahaha dami kong tawa dto sa episode na to."
"Dba nagkamali na ang staff ng eat bulaga pero tignan mo kung paano nahandle ng mga tv host ang sitwasyon...naging funny prin hehehe."
"Kalokah c kyle bat mo inamin atleast nag sorry sa gf nya nkka good vibes."
"Laftrip tlga tong episode n Ito sakit Ng tyan ko kakatwa."

Kamakailan lang ay nagviral din ang isa pang episode ng "Bawal Judgemental" kung saan naimbitahan ang ilang miyembro ng LGBTQ.

Ilan sa mga ito, ay nag-"out" sa kauna-unahang pagkakataon pa sa Eat Bulaga, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vic Sotto ay isang sikat na aktor, komedyante, film producer, singer-songwriter, at television presenter na nasa industriya ng showbiz simula pa noong 70s. Naging ‘Box Office King’ siya ng maraming beses.

Dating kasal siya sa aktres na si Dina Bonnevie at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Boy Sotto na parehong may asawa na at mga magulang na rin.

Ngayon, ay kasal siya kay Pauleen Luna, ang kanyang kasamahan at dabarkads sa sikat na noontime show na Eat Bulaga, at may isang anak na sila. May dalawa pang siyang anak — Vico Sotto, anak nyang lalaki sa aktres na si Coney Reyes; at Paulina Sotto, ang anak nya kay Angela Luz.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel