Mga labi ng pinaslang ng Pinay sa Kuwait na si Jeanelyn, dumating na sa bansa

Mga labi ng pinaslang ng Pinay sa Kuwait na si Jeanelyn, dumating na sa bansa

- Dumating na sa bansa ang mga labi ng napatay na Pinay OFW sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende

- Malungkot na sinalubong ito ng kanyang pamilya at mga kaibigan

- Bumuhos ang luha at hinagpis nang makita na ng mga ito ang kahon na kinalalagyan ng mga labi ni Jeanelyn

- Ayon sa ulat, nakatakdang i-reautopsy ang katawan ni Jeanelyn

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumating na ang mga labi ng napaslang na Pinay sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende sa bansa.

Kahapon ng 4 p.m. nang lumapag sa NAIA ang eroplanong sinasakyan nito at kaninang umaga nang ibyahe naman ito papunta sa General Santos City.

Sa pamamagitan ng isang Facebook live, ibinahagi ng News5 ang kaganapan sa airport nang salubungin ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang labi ni Jeanelyn.

Bumuhos ang luha at hinagpis nang makita na ng mga ito ang kahong kinalalagakan ng katawan ng OFW na umano'y pinatay ng amo.

Ayon pa sa ulat, naroon din ang ilang miyembro ng NBI dahil nakatakdang i-reautopsy ang labi ni Jeanelyn.

Matatandaang noong nakaraang linggo lamang nang muling sumambulat ang balitang isa na namang Pinay ang napatay ng amo sa Kuwait matapos ang malagim ding sinapit ng isa pang OFW na si Joana Dimafelis na natagpuan ang bangkay sa loob ng isang freezer, na naiulat na ng KAMI.

Noong 2018, nagkaroon nang kasunduan ang Kuwait at ang Pilipinas para sa proteksyon ng mga OFW doon matapos ang nangyari kay Joana.

Ngunit isa na naman Pinay ang ngayo'y pinagluluksa ng kanyang pamilya matapos ang diumano'y sinapit sa amo.

Sa isang report ng KAMI, mariing sinabi naman ng magulang ni Jeanelyn na hindi sila tatanggap ng "Diyah" o "blood money" mula sa pamilya ng mga suspek na ngayon ay nakakulong na. At ang nais nila ay gawin din sa mga suspek ang ginawa sa biktima.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na papapanagutin ng Pinas ang mga salarin.

Samantala, posible namang managot ang agency ni Jeanelyn sa Pinas kapag napatunayang may kapabayaan ang mga ito, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel