Krus ng imahen ng Itim na Nazareno, nabali sa kalagitnaan ng Traslacion

Krus ng imahen ng Itim na Nazareno, nabali sa kalagitnaan ng Traslacion

- Ngayong Huwebes ay isinagawa ang Traslacion kung saan iniikot ang imahen ng Itim na Nazareno sa Maynila

- Naibalitang nabali ang krus ng imahen ng Itim na Nazareno habang pakanan ito sa kahabaan ng Hidalgo

- Ngayong taon ay nag-iba ang ruta ng Traslacion at tinatayang nasa 2 milyon na ang debotong dumalo rito ngayon

- Nasa lagpas 100 na rin ang mga naitalang debotong nasugatan, ayon sa Manila’s Risk Reduction and Management Organization

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabali ang krus ng Imahen ng Itim na Nazareno sa kalagitnaan ng Traslacion 2020.

Nalaman ng KAMI na nabali ang krus habang pakanan ito sa Hidalgo ngayong Huwebes.

Ibinahagi ng Manila Public Information Office (PIO) ang larawan ng nasirang krus ng imahen.

Ayon sa ulat ng Inquirer (sa panulat ni Krissy Aquilar), ang imahen ng Itim na Nazareno ay nasa Arlegui Street lampas alas-11 ng umaga.

Ang ruta ng Traslacion ngayon ay nag-iba. Imbis na sa Jones Bridge ang daan katulad noon, sa Ayala Bridge na ang daan ngayon.

Pasado alas-4 ng umaga ay umalis na ang imahen ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand. Kasalukuyang lagpas 2 milyon na ang mga debotong sumali sa Traslacion.

Samantala, isang lalaki naman ang nag-propose sa kanyang girlfriend habang nasa Traslacion. Ang magkasintahan ay deboto ng Itim na Nazareno.

Ayon sa Manila PIO, balak ng dalawa na magpakasal sa darating na Marso.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nasa 100 na ang mga debotong nasaktan sa Traslacion. Base sa datos ng Manila’s Risk Reduction and Management Organization, nasa 114 na ang naitatalang nagtamo ng mga sugat pasado alas-9 pa lang ng umaga.

Narito naman ang mapa kung saan dadaan ang imahen ng Itim na Nazareno:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang Traslacion ng Itim na Nazareno ay lumang tradisyon ng Simbahang Katoliko kung saan inililipat ang imahen mula Quirino Grandstand patungo sa simbahan ng Quiapo kung saan talagang nakalagay ito. Ang tradisyong ito ay ginagawa tuwing ika-9 ng Enero.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel