Mayor Isko, pinakyaw ang mga suman ng lola huwag lang itong magtinda sa Translacion

Mayor Isko, pinakyaw ang mga suman ng lola huwag lang itong magtinda sa Translacion

- Maging sa gaganaping Translacion, naging mahigpit sa kalinisan at seguridad si Mayor Isko Moreno ng Maynila

- Marahil sa awa sa matanda na naglalako ng mga suman, binili na lamang ng alkalde ang paninda nito imbis na makumpiska

- Ginawa niya ito upang makauwi na ang lola at huwag nang magtinda dahil pinagbawal na ang paglalako sa Translacion

- Umiinda naman ang iba pang vendor na nakumpiska ang paninda dahil nanghihinayang sila sa benta nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakyaw na lang ni Mayor Isko Moreno ang panindang suman ng isang lola na naglalako sa bisperas ng Translacion sa Quiapo.

Ayon sa ABS-CBN, nasa ₱3,000 ang halaga ng paninda ng lola na binili ng alkalde upang makumbinsi lamang ito na umuwi.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitinda sa Translacion bilang bahagi parin ng kaayusan, kalinisan, at seguridad ng mga dadalo.

Marami na rin kasi ang nakumpiskang paninda ng mga vendors na nagpumilit pa rin na maglako sa bisperas ng Translacion.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Di maawasang uminda sila sa panghihinayang at sayang ang kikitain sa dami ng mga debotong dadalo sa okasyon.

Umaasa ang pamunuan ng Maynila na makikiisa ang mga tao sa mga bagong patakaran na ito.

Kung umiral daw kasi ang disiplina sa bawat isa, magiging maayos ang takbo ng prusisyon.

Nagsisimula nang dumagsa ang mga deboto sa bisperas ng Translacion kaya naman nakatutok na rin ang alkalde ng Maynila rito.

Wala na ring pasok sa lahat ng antas sa Maynila upang bigyang daan ang sinasabing milagrosong prusisyon ng Poong Nazareno.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel