Angkas, maari na raw tumanggi sa mga pasaherong may "labis na timbang"

Angkas, maari na raw tumanggi sa mga pasaherong may "labis na timbang"

- Maari na raw tanggihan ng Angkas ang mga pasaherong may labis na timbang

- Ito ay hindi "diskriminasyon" ngunit para masiguro ang kaligtasan ng pasahero at ng driver

- Sa app, pinaliwanag na isa itong government requirement upang makaiwas sa maaring maging aberya o aksidente sa kalsada

- Aalamin muna ang timbang ng pasahero upang maihanap ito ng biker na di rin nalalayo sa kanyang timbang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan, nagdagdag ng update ang Angkas sa kanilang app kung saan inaalam muna nila ang timbang ng kanilang pasahero na tinawag nilang "weight safety check".

Ayon kay Mario Alvaro Limos ng Esquire, hindi raw ito isang uri ng diskriminasyon kundi para masiguro lamang ang kaligtasan ng pasahero at maging ang biker nito.

Hindi naman nila agad na tatanggihan ang pasahero bagkus ihahanap lamang ito ng angkop na driver na di nalalayo sa kanya ng timbang.

Isinasagawa ito upang maiwasan ang posibleng maging disgrasya sa kalsada lalo na kung mas magaan ang biker kaysa sa kanyang pasahero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Angkas, maari na raw tumanggi sa mga pasaherong may "labis na timbang"

source: Angkas ph
Source: Facebook

Ipinaliwanag din sa mismong app na isa itong government requirement at sinigurong ang impormasyon na kukunin tungkol sa timbang ng pasahero ay pribado.

Ang Angkas ang isa sa pinagkakatiwalaang uri ng transportasyon ngayon sa bansa.

Ito raw kasi ang nagsilbing solusyon sa karamihan upang makaiwas sa matinding problema sa trapiko.

Dahil dito, pinaigting ang seguridad sa pagsakay ng kanilang pasahero kaya naman inaasahan nila ang pang-unawa patungkol dito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel