Mga kapitbahay, isiniwalat ang pagtrato ng mga kapatid sa lalaking may sakit sa pag-iisip

Mga kapitbahay, isiniwalat ang pagtrato ng mga kapatid sa lalaking may sakit sa pag-iisip

- Nag-viral ang post ng kapitbahay ng kaawa-awang lalaking si "Emil" at nakarating ito sa programa ni Raffy Tulfo

- Nagharap ang mga kapitbahay na nagmalasakit kay Emil at mga kapatid nitong sina Jessie at Jon-Jon Malones

- Marumi, mabaho, mahaba ang buhok at buto't balat na nang matagpuan ng mga kapitbahay si Emil na iniwan pala ng kanyang mga kapatid

- Narinig na lang ng mga kapitbahay noong bisperas ng bagong taon na nanghihingi ng pagkain si Emil na kanila namang binigyan

- Binahagi raw nila ang video ni Emil upang makalikom ng tulong para rito na labis nang napabayaan ng kanyang mga kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral noong Enero 3 ang video na binahagi ng netizen na si Gino Angeles na tumulong sa kapitbahay niyang buto't balat na at gutom na gutom na humingi ng pagkain sa kanila.

Nakarating sa programa ni Raffy Tulfo ang video kung saan makikita ang 32-anyos na si Emil Malones na tinulungan ng kanyang mga kapitbahay.

Nalaman ng KAMI na may sakit sa pag-iisip si Emil at labis na napabayaan pa ito ng kanyang mga kapatid.

Marumi, mabaho, mahaba ang buhok at buto't balat na ito nang makita ng mga kapitbahay na lumiban pa sa bakod para lamang maabutan ito ng pagkain noong bisperas ng Bagong Taon.

Naririnig kasi nila itong humihingi ng makakain at mas lalong nadurog ang kanilang puso nang makita ang kalagayan ni Emil na iniwan pa pala ng mga kapatid niyang sina Jessie at Jon-Jon Malones.

Sa programa ni Raffy Tulfo nitong Enero 8, inimbitahan sina Emil at mga kapatid nito upang sila mismo ang makapanayam.

Paliwanag ng mga kapatid na wala raw silang tubig at kuryente kaya di nila napapaliguan ng maayos si Emil.

Dagdag pa nila na kakarampot lamang daw ang sahod nila kaya naman hirap silang sustentuhan ang ibang pangangailangan ng kapatid.

Ang isa pa sa kanila, si Jessie ay nagsabing siya rin mismo ay may hika at di makabili ng gamot para rito.

Sa umpisa ay nais pa sanang tulungan ni Tulfo ang magkapatid nang sa gayon ay maalagaan na rin nila ng maayos si Emil.

Ngunit sabi nga ni Tulfo, di ito mga sapat na rason para di mabilhan ng damit na galing manlang sa ukay-ukay si Emil.

Hindi rin halos maniwala ang host nang sabihin ng magkapatid na kung ano mismo ang kinakain nila, iyon din ang pinakakain sa kapatid na may sakit sa pag-iisip.

Nang papasukin na ang mga kapitbahay nina Emil sa pangunguna ni Gino, mas lalong nagdalawang isip si Tulfo na tulungan sina Jessie at Jon-Jon lalo na nang humihirit pa ito ng ₱1.4 million para raw mabayaran na ng buo ang kanilang bahay.

Isa-isang isinalaysay ng mga kapitbahay ang nalalaman at nasaksihan nila mismo sa buhay ni Emil.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod kay Gino na siyang nagdala ng pagkain na makikita sa viral video, kasama rin niya si Krisha, ang nagdadala ng pagkain kay Emil araw-araw mula nang matuklasan nila ang kalagayan nito.

Kung hindi raw kasi niya hahatiran ng pagkain si Emil, hindi raw ito makakakain sa maghapon.

Kasama rin si JR na tumulong magpaligo at maggupit kay Emil. Kwento niya, di siya naniniwalang anim na buwan laman napabayaan ng mga kapatid ang lalaki.

Napakahaba na ng buhok nito, napakarumi at napakabaho na maging siya ay di matagalan ang amoy nito.

Si JR rin ang nagkuwento kung gaano karumi ang lugar kung saan nakalagak si Emil.

Napansin niyang doon na rin daw ito dumudumi at ang masaklap naroon din ang pinagkainan nito na mayroon ding kasamang buhok.

Suspetsa tuloy nila, sa tindi raw siguro ng gutom maaring sariling buhok at dumi ang nakakain na ni Emil.

Sinabi rin niyang mas maayos pa ang kalagayan ng aso nina Jessie at Jon-Jon kaysa sa kanilang kapatid.

Naidagdag pa ni Krisha na nagawa niyang awayin si Jessie dahil sa kalagayan ni Emil.

Nagbitiw pa raw ito ng salita na sana ay di na lamang nila tinulungan ang kanyang kapatid at hinayaan na lamang na ganoon ang kalagayan nito.

Nang malaman ito ni Tulfo, tila ayaw na niyang tulungan pa ang magkapatid at dalhin na lamang sa institusyon si Emil kung saan siya ay magagamot at maalagaan.

Nang tanungin niya ang opinyon ng mga kapitbahay, mainam na pagbigyan na lamang sina Jessie at Jon-Jon na hiling na makabitan ulit ng tubig at kuryente ngunit hindi ang hiling sa pambayad sa bahay.

Dahil dito, kahit daw mabigat sa kalooban ng host, tutulungan pa rin niya sina Jessie at Jon-Jon.

Napagkasunduan na rin na dahil hindi naalagaan si Emil, tuloy ang pagdadala sa kanya sa institusyon na maayos siyang mapangangalagaan.

Bago matapos ang panayam, binigyang pugay ni Tulfo ang mga kapitbahay na tinuturing niyang bayani sa pagtulong kay Emil.

Nagpasalamat sin ang mga kapitbahay sa iba pang mga taong nagpadala rin ng tulong para kay Emil.

Narito ang kabuuan ng panayam:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel