Isang Pinay OFW, ibinahagi ang diskarte niya para lang mabusog sa trabaho

Isang Pinay OFW, ibinahagi ang diskarte niya para lang mabusog sa trabaho

- Ibinahagi ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa abroad

- Sa isang video, makikita ang diskarte ng Pinay OFW para mabusog habang ginagawa ang mga trabaho niya

- Kita sa video na habang naghuhugas ng mga pinggan at pinaglutuan ay pasimpleng kinain ng Pinay ang tira-tira

- Maraming mga netizens din ang naka-relate sa diskarte ng Pinay para lang mabusog sa trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang nagbahagi ng kanyang kwento sa buhay at pinagdadaanan sa abroad.

Isang netizen na si Sherilyn Mendiola ang nagbahagi ng video sa Facebook.

Nalaman ng KAMI na sa sinabing video, makikita ang Pinay OFW na nagliligpit ng mga pinagkainan. Subalit, nang makita niya na may tira-tira pa ay pasimple niyang kinain ito.

Paliwanag ni Sherilyn, nanghihinayang siya na itapon na lang ang tira sa basurahan kaya kinain na lang niya ito at nabusog pa siya.

“Para-paraan lang para mabusog kesa naman itapon sa basurahan,” sabi nito sa caption.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naka-relate naman ang ilang mga netizens sa diskarte ng Pinay OFW. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Hahaha parang ako lang din hahaha”
“same ganyan din gawaen ko..”
“Ay totoo yan subra hirap”
“Ay relate ako nyan yung pa simply subo sabay tingin kung may camel bang naka tingin Hahahaha. Sa awa ng dios. Di nmn nahuli para para an lng mportant may laman tyan. Ako nmn nilalagay ko sa Plato. Hehehe”
“Ganun tlg sa dame work mensan nakakalimutan mona kumain”
“Ganyan din ako.minsan”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel