Babaeng mayroong apat na nobyo, 7-buwang buntis

Babaeng mayroong apat na nobyo, 7-buwang buntis

- Buong tapang na inamin ng isang babae mula sa Florida ang pagkakaroon niya ng apat na nobyo na kasama niya sa iisang bubong

- At ang 20-anyos na babae ay 7-buwang buntis na at alam daw nito kung sino ang ama ng kanyang dinadala

- Ngunit sama-sama nilang palalakihin at bubuhayin ang bata ayon mismo sa mga ito

- Ganunpaman, hindi pa rin daw nawawala ang selosan sa kanilang "kakaibang" relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang paligoy-ligoy na inamin ng isang babae mula sa Florida ang pagkakaroon niya ng apat na nobyo na kasama pa niyang lahat sa iisang bubong.

Sa isang panayam ng Barcroft Media, buong tapang na humarap ang 20-anyos na si Tory Ojeda kasama ang kanyang apat na BF.

Sina Marc, 18-anyos na nakilala niya noong high school. Pagkaraan ng ilang buwan ay nakilala naman nito si Travis, 23, at naging engaged agad dito.

Habang sina Ethan at Christopher naman ay parehong 22 taong gulang na naging karelasyon din niya kalaunan.

At kahit pa magkakasama sila sa iisang bubong, maayos naman ang kanilang pakikitungo sa isa't isa at magkakasundo sa paglalaro ng board games.

Sa katunayan, nagkasundo ang lima na sama-sama nilang palalakihin at bubuhayin ang sanggol sa sinapupunan ni Tory.

Ganunpaman, hindi naman daw ito naging madali para sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

Hindi rin daw nawawala ang panghuhusga ng marami sa kanilang kakaibang "relasyon".

At katulad ng ibang relasyon, ay nagkakaroon pa rin ng selosan sa pagitan ng mga ito.

Ayon kay Travis, lahat naman daw ay nakukuha sa tamang komunikasyon at pinag-uusapan na lamang nila kung mayroon mang hindi pagkakaintindihan.

Ngunit ang pinakamalaking tanong ay kung sino ba ang biological father ng dinadala ni Tory.

At ayon sa babae, dahil sa "timing", sigurado siyang ang tatay ng baby ay si Christopher.

Para naman sa lalaki, bagamat lumaki siya sa ideyang iisa ang ama at ina sa isang pamilya, tanggap naman daw niya ang kanilang sitwasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel