Mabait na boss, namimigay ng house and lot sa empleyadong nangangailangan taon-taon

Mabait na boss, namimigay ng house and lot sa empleyadong nangangailangan taon-taon

- Isang boss sa China ang nagpamalas ng malasakit sa kanyang mga empleyado at laging tinutulungan ang mga ito

- Taon-taon ay namimigay ang boss ng bahay at lupa sa ilang mga tauhan niyang nangangailangan nito

- Nais ng boss na iparamdam sa mga empleyado niya na parang pamilya na ang turingan nila sa bawat isa

- Nagsimula ang kanyang pamimigay ng tulong noong namigay siya ng bahay sa empleyado niya noong 2015

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang may-ari ng kompanya sa China ang may magandang loob at laging tumutulong sa mga empleyado niyang nangangailangan.

Nalaman ng KAMI na ang chairman ng isang kompanya na si Zhongming Yu ay namimigay ng libreng pabahay para sa mga tauhan niya.

Sa kanyang kompanya, mayroon silang 10-year assistance plan upang tulungan ang mga empleyado na hirap sa buhay.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, taon-taon ginagawa ni Zhongming ang pagtulong na ito sa mga taong may problema sa pinansyal at pamilya.

“The plan is to provide assistance for some employees in the company who have difficulties within their families, such as caring for children and elderly people at home,” sabi ni Zhongming.

“The company will give you house, arrange with the government for your children to go to school. Your wife can work in the company. If the elderly enjoy gardening, they can go to our company’s farm, to plant fruit trees, raise poultry,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng chairman, nagsimula ang kanyang pagtulong sa mga empleyado niya noong namigay siya ng bahay at lupa sa dalawang tauhan niya. Simula noon, palagi na siyang namimigay ng bahay at lupa sa dalawang mga empleyado niya.

Bagama’t hindi pa ganoon kalaki ang kanilang kompanya, nais ng chairman iparamdam sa mga empleyado niya na parang pamilya na rin ang turing niya sa kanila.

“The company’s corporate culture is that we’re not a simple factor, but a big family, with employees as brothers and sisters. When you have problems within your family, you must give a helping hand,” aniya.

Mabait na boss, namimigay ng house and lot sa empleyadong nangangailangan taon-taon

Photo from Rachfeed
Source: Facebook

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel