Friendly caution: Digong, handa raw pumanig sa US sa gitna ng tensyon

Friendly caution: Digong, handa raw pumanig sa US sa gitna ng tensyon

- Handa raw pumanig sa Amerika si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng tensyon sa Middle East ayon sa Palasyo

- Ito ay kapag may sinaktang Pilipino sa Iran at Iraq ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo

- Ngunit pagliliwanag ni Panelo, hindi ito banta mula kay Digong kung 'di isang "friendly caution"

- Samantala, itinaas na sa Alert level 4 o mandatory repatriation ang mga Pinoy sa Iraq

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Handa raw pumanig si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika sa gitna ng tensyon sa Middle East dahil sa pagpatay sa isang Iranian military commander na si Qasem Soleimani.

Ayon sa ulat ng News5, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ito ay mangyayari kapag may sinaktang Pilipino sa Iraq at Iran.

Ngunit paglilinaw ni Panelo, hindi ito banta mula sa pangulo kung 'di isang "friendly caution".

"The President was very specific in saying last night that if the Filipinos are harmed, he will side with the Americans.

"If they will harm the Filipinos there, the President will not sit down idly and watch."

Samantala, batay naman sa ulat ng ABS-CBN News, nasa alert level 4 na sa Iraq ayon sa Philippine Embassy doon.

Ibig sabihin, magkakaroon ng mandatory repatriation para sa mga Pinoy sa lugar.

"Ang marching order sa amin ay mandatory repatriation," ayon kay Chargé d’Affaires Jomar Sadie.

Hinikayat din nito ang mga Pinoy doon na makipag-ugnayan sa kanila at sa mga employers ng mga ito.

"Kung walang employer o biktima ng human trafficking, tumawag sa amin para matulungan namin kayo o pumunta directly sa embassy," ani Sadie.

Dagdag pa nito, siguruhin daw ng mga Pinoy na palaging hawak o dala ang kanilang passports.

Una nang sinabi ng gobyerno na handa silang ilikas ang 6,000 Pinoy sa Iraq na posibleng maapektuhan kapag lumala ang tensyon sa pagitan ng Tehran at Washington.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, sinagot na ni Pangulong Duterte ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo kaugnay ng "laban kontra-droga" ng gobyerno.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel