Ina, sinabayan sa pagsayaw ng "Tala" ang anak na putol na ang isang binti

Ina, sinabayan sa pagsayaw ng "Tala" ang anak na putol na ang isang binti

- Nag-viral ang nakamamanghang ginawa ng ina para lamang masabayan ang kanyang anak na sumayaw ng "Tala"

- Mapapansin kasing putol na ang kanang binti ng anak na tila mayroong karamdaman ngunit di ito nagpatinag sa pagsayaw ng sikat na dance craze ngayon

- Para damayan ang anak, iniangat ng ina ang kanang niyang binti at naglagay din siya ng balabal sa ulo upang si maramadaman ng anak na iba siya

- Bakas sa mukha ng bata ang saya nang sabay silang umindak ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang ina na si Gem Tabudlong dahil sa pagsuporta niya sa kanyang anak sa pagsayaw ng "Tala."

Mapapnsin sa larawan na wala nang kanang binti ang bata at may balot ang ulo nito na tila buhat ng kanyang karamdaman.

Ang ginawa ni Gem, itinaas na rin niya ang kanang binti at binalot din niya ng alabal ang kanyang ulo upang di maramdaman ng kanyang anak na iba siya.

Masayang sumayaw ang mag-ina ng sikat na dance craze ngayon. Bakas sa mukha ng bata ang kasiyahan dahil sa kabila ng kanyang kalagayan, nagawa pa rin niyang sumayaw.

"You're still the best dancer my unica hija! I love you so much Princesa ko..." ang caption ng post ni Gem.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Labis na naantig ang mga netizens sa ginawa na ito ng ina para sa pinakamamahal niyang anak. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"God bless your beautiful souls"
"The best ka talaga Bless, you are such an inspiration to all.....i'm so proud of you"
"You're such a great dancer Hija! Keep it up! Fight until you overcome the challenge... Prayers for you princess..."
"Sa lahat ng Tala Challenge, ito ang masasabi kong di para magpapansin lang kundi para maka-inspire din"
"Wonderful mother and daughter tandem, the girl is so happy o!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel