Lola na nagbebenta ng unan at bote para may makain, nagpaluha sa maraming netizens

Lola na nagbebenta ng unan at bote para may makain, nagpaluha sa maraming netizens

- Viral ang larawan ng isang lola na nagbebenta ng kung ano-ano para lamang may pambili siya ng pagkain

- Nakita siyang naglalakad kahit na umuulan ng magkakaibigang sakay sa kotse

- Pinasakay nila ang lola upang maayos itong makarating sa kanyang pupuntahan

- Binahagi ng netizen ang mga larawan upang matulungan na rin ang lola at pamilya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapukaw sa puso ng mga netizens ang mga larawan ng lola na namataang nagbebenta ng sirang unan at bote para lamang mayroong pambili ng pagkain.

Binahagi ng netizen na si Khaye Pccaster ang mga larawan ng lola na nakita nila noon na naglalakad sa ulanan.

Nalaman ng KAMI na pinasakay nilang magkakaibigan sa sinasakyan nilang kotse ang lola at kanila itong tinanong kung saan patungo.

Napag-alaman nilang nagbebenta pala ito sa junk shop ng kung ano ang maari niyang maibenta kapalit ng kaunting halaga para sila ay makakain ng kanyang panilya.

Hinatid na rin nina Khaye ang lola at doon mas lalong nadurog ang puso nila sa kalagayan ng tinitihan ng matanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon itong anak na tila mayroon daw kapansanan at apo na binatilyo na siyang tumutulong sa lola sa pagkakalkal ng basura.

Upang makatulong, nag-ambagan ang magkakaibigan para may maiabot na tulong sa lola.

Binilhan muna rin nila ito ng de lata at tinapay upang mayroon na rin sila agad na makain.

Ayon pa kay Khaye, maging siya ay napaluha sa kalagayan ng lola kaya naman binahagi niya ang mga larawan nito upang makalikom na rin ng tulong para sa matanda.

Sana raw sa munting paraan niya ito, dagsain ng tulong ang matandang nagsusumikap pa rin para lang may maipakain sa kanyang anak at apo.

Narito ang kabuuan ng post:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel