OFW, "na-Bea Alonzo" ng BF sa Pinas; Idol Raffy, naaliw sa larawan ni kuya

OFW, "na-Bea Alonzo" ng BF sa Pinas; Idol Raffy, naaliw sa larawan ni kuya

- Bigla na lamang daw naglaho ang kanyang nobyo sa Pilipinas ayon sa reklamo ng isang OFW

- Ang masaklap pa, nadiskubre nitong nakipagbalikan na pala ito sa dati nitong nobya

- At sa mismong programa pa ni Raffy Tulfo napag-alaman ng OFW na matagal na pala ang relasyon ng dalawa

- Pero si idol Raffy, hindi naman naiwasang maaliw sa larawang ipinakita ng ginang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bigla na lamang daw hindi nagparamdam ang kanyang nobyo, ayon kay Mary Jane Comilang, isang overseas Filipino worker (OFW).

Nagtago na rin daw ito at hindi na niya alam kung saan nakatira kaya naman napilitan na itong idulog ang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon kay Comilang, nagtiwala raw siya sa nobyong si Gregorio Matias dahil sa mga pangako nito.

Pero matapos daw niyang maipadala ang huling hulog sa kotse na hinuhulugan nilang dalawa ay hindi na niya nakontak pa ang lalaki.

Naka-block na rin daw siya sa social media account nito.

Ang masaklap pa, mismong sa programa pa ni idol Raffy inamin ni Matias na matagal na pala silang nagkabalikan ng dating nobya.

Masamang-masama ang loob ni Comilang at nais na lamang na maibalik sa kanya ang mga perang ibinigay niya rito na umabot sa P700K at ilang alahas.

Pero giit ni Matias, hindi raw niya hiningi ang mga ipinadala nito at kusang ibinigay ng babae.

Ngunit desidido ang complainant na bawiin ang lahat ng kanyang naibigay sa lalaki dahil sa panloloko nito sa kanya.

Nagkasundo naman ang mga ito na muling magharap sa Biyernes sa tanggapang ng TV5.

Samantala, hindi naman naiwasan ni idol Raffy ang maaliw sa larawan ng lalaki na ipinakita ng OFW na labis na nakapagpahalakhak dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang ulat ng KAMI, desidido naman ang isang mister na ipakulong ang kanyang misis na OFW na kumabit sa isang Indiano!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel