Mister na naghuhugas ng plato, di nagpaawat sa "Tala dance challenge"

Mister na naghuhugas ng plato, di nagpaawat sa "Tala dance challenge"

- Kinagiliwan online ang isang lalaking todo hataw pa rin sa pagsayaw ng "Tala" kahit pa ito'y naghuhugas ng plato

- Natuwa ang mga netizens sa gimik ng lalaking ito na isa pa lang pulis

- Kasabwat ng pulis na ito ang kanyang misis na siyang kumuha ng video

- Di ito ang unang beses na gumawa siya ng dance cover lalo pa at likas sa kanya ang pagiging kwela at masayahin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kakaibang "Tala dance cover" ng netizen na si Joel Andal Severa.

Sa kanyang Facebook post, makikitang naghuhugas siya ng mga plato nang biglang tumugtog ang sikat na kanta ni Sarah Geronimo.

Hawak ang sponge na mayroon pang sabon at isang mangkok, di nagpaawat sa paghataw si Joel na isa palang pulis.

Todo bigay sa pagkembot ang pulis na kinukunan ng video ng kanyang misis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Game na game sa pagsayaw si Sir Joel na likas na talagang masayahin at kwela.

Katunayan, di ito ang unang beses na gumawa siya ng dance cover. Minsan na rin siyang sumayaw ng "budots" kahit pa siya ay naka-uniporme.

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa viral video na ito at hiniling pa ng iba na masundan dahil good vibes daw ang dala nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wow, lodi. ibang klaseng Tala ito"
"Sayang, di ka umabot sa ASAP noong Sunday, nasa TV ka sana sir"
"More videos po, hahahaha nakakaaliw"
"That made my day. ka galeng sumayaw. sino gang nagturo diyan? hahaha"
"Sa wakas eto ung inaabangan kung sarhento na mag tala nation di"
"Sabi ko na nga ba papatusin mo itong challenge na ito e."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel