Mister, nanindigang ipakulong ang misis na kumabit sa Indiano

Mister, nanindigang ipakulong ang misis na kumabit sa Indiano

- Nawala raw sa sarili si mister matapos matuklasang may iba nang lalaki ang kanyang misis na OFW

- Ayon sa reklamo nito, bigla na lamang daw nakipaghiwalay sa kanya ang asawa at sinabing may iba na raw ito sa Kuwait na isang Indiano

- Pag-amin naman ni misis, nagawa lamang niya iyon upang may maipangsuporta sa mga anak sa Pinas

- Masama rin daw ang loob ng ginang dahil sa pananakit ng lalaki sa mga anak

- Si mister naman, iginiit na gusto niyang ipakulong si misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila raw siya nawala sa sarili, ayon sa complainant na si Julito Mabilog matapos madiskubre ang pangangabit ng kanyang misis na isang OFW.

Ayon kay Julito, nagpadala pa raw ng larawan nito ang misis na si Maritess at ang Indiano na kabit nito habang magkasama, na itinanggi naman ng ginang.

Depensa pa ni Maritess, nagawa lamang niya iyon para mayroong maipangsuporta sa mga anak sa Pilipinas.

Hindi umano kasi nagbibigay ng suporta ang lalaki sa kanila.

Giit pa ng ginang, matagal na raw nang mangyari ito sa kanilang mag-asawa.

Masama rin daw ang loob nito nang malamang sinasaktan ng mister ang kanilang mga anak ayon sa sumbong ng mga ito.

Ngunit itinanggi ito ni Julito at sinabing sinisiraan lamang daw siya ng asawa, bagamat inamin nito na nadidisiplina nito ang mga anak kung minsan.

Sa huli, nagdesisyon pa rin si Maritess na tuluyan nang tapusin ang kanilang relasyon ni Julito.

Habang ang lalaki naman, desididong ipakulong ang misis dahil sa ginawa nitong pakikiapid sa ibang bansa.

Hawak daw nito ang ilang ebidensiya laban sa misis tulad ng mga larawang ipinadala ng Indiano gamit ang social media account ni Maritess.

Para naman kay Raffy Tulfo, hindi raw dapat naging dahilan ni misis ang kakulangan ni mister upang maghanap ng ibang lalaki lalo pa at kasal ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel