Pinay OFW na kinulong ng amo, di pinakakain at walang sweldo, nakunan ng video na humihingi ng tulong
- Nakunan ng video ng kapwa niya OFW ang isang Pinay sa Riyadh na di maayos na tinatrato ng kanyang amo
- Kinukulong, di pinakakain at di rin daw pinasasahod ang Pinay nakakakausap lamang din ng isa pang OFW sa bintana
- Bandang ala-una na raw ng madaling araw nang dalhan ng OFW ang kapwa niya Pinay ng pagkain at tubig
- Gagawa raw ng paraan ang OFW upang matulungan ang minamaltratong Pinay na ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Maraming netizens ang nabahala sa kalagayan ng isa nating kababayan sa Riyadh na kinukulong ng kanyang amo.
Binahagi ng isa ring OFW na si Angie Abiera ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pinay na palihim niyang dinadalhan ng pagkain.
Nakalulungkot isipin na kuha pa ang video ilang araw matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa pagdalaw ng OFW, dinalhan niya ng isang bote ng tubig at makakain ang Pinay na bakas ang labis na pagkasabik sa kausap.
Di rin kasi nito nakakatext manlang ang mga kamag-anak sa Pilipinas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi raw ito pinakakain at ang masaklap, di pa rin ito pinasasahod.
Nagbubulungan sila upang makapag-usap at nagbilin din ang Pinay sa kapwa OFW upang matulungan siya sa sinapit sa kamay ng amo.
Ayon naman kay Angie, makikipagtulungan siya upang maialis na ang Pinay sa amo dahil sa maling pagtrato nito sa kanya.
May ilan ding nagpapaabot ng tulong sa Pinay para mas mapabilis na ang pag-alis nito sa amo bago pa may mangyari sa kanya na mas malala.
Narito ang kabuuan ng video:
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh