Duterte, sinupalpal ang naging pahayag ni Robredo sa "war on drugs"

Duterte, sinupalpal ang naging pahayag ni Robredo sa "war on drugs"

- Sinagot na ni Pangulong Duterte ang naging pahayag ni Vice President Robredo kaugnay ng laban kontra-droga ng administrasyon

- Kamakailan lang ay naglabas ng report ang bise na nakalap nito sa ilang araw nito bilang co-chair ng ICAD

- Maging ang ilang senador ay kinontra rin ang naging pahayag ni Robredo

- Matatandaang ilang araw lamang matapos italaga ni PRRD si Robredo bilang co-chair ng ICAD ay sinibak din ito ng pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo hinggil sa laban kontra-droga ng administrasyon kamakailan.

Ayon sa pangulo, dapat daw na tignan muli ni Robredo ang kanyang mga "record". Sinabi rin ng pangulo na mula noon ay wala na raw nagawa ang bise.

“[F]or all of these years she has done nothing. She is a colossal blunder. Colossal blunder,” ani PRRD.

Sinupalpal din ni Pangulong Duterte ang sinabi ni VP Robredo na dapat ay ang Dangerous Drugs Board ang mamahala sa ICAD sa halip na Philippine Drug Enforcement Agency.

“She does not lecture on me,” ayon sa pangulo.

Samantala, sa isang ulat ng GMA News, sinabi nina Senators Francis Tolentino and Christopher "Bong" Go na hindi si Robredo ang taong makakapagsabi kung "failure" ang "war on drugs" ng administrasyon.

Para kay Tolentino, masyadong maikli ang ilang araw ni Robredo bilang co-chair ng ICAD para masabi nito ang nagawa ng gobyerno laban sa droga.

“Who are you to judge? Sa maikling panahon na nanungkulan siya doon eh palagay ko ‘yung kulang na [datos] hawak n’ya ay hindi makakapagresulta ng isang accurate, exhaustive evaluation of what transpired during the last three years,” anito.

Sabi naman ni Go, ang mamamayang Pilipino ang mas nakararamdam ng pagbabago dahil sa aksyon ng gobyerno kaya naman ito lamang ang maaaring magsabi kung "palpak" nga ang war on drugs.

“Sila ang mga ordinaryong mamamayan natin na direktang nakikinabang. Sila kasi ang nagsasabing mas ligtas sila ngayon kaysa noong panahon ng nagdaang administrasyon,” anito.

“Sa kabila ng mga ginawang hakbang ng gobyerno, sa kabila ng walang humpay na kampanya kontra droga, para kay VP Leni ang grado ng gobyerno ay 1/100 lamang. Parang may mali naman sa batayan ng ating Vice President kung ano ang makakabuti sa bayan,” dagdag nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, nagbigay ng pahayag si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa naging pahayag ni Robredo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel