Pinay OFW, kinuwento kung bakit wala siyang ginto at mamahaling cellphone

Pinay OFW, kinuwento kung bakit wala siyang ginto at mamahaling cellphone

- Ibinahagi ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang karanasan nang makasama ang iba pang mga OFW

- Isang kababayan niya umano ang nagtanong sa kanya kung bakit wala siyang suot na ginto at bagong cellphone

- Kinuwento naman ng Pinay na hindi siya maluho pero marami na siyang naipundar para sa pamilya niya

- Ilan na nga sa mga naipundar niya ang bahay’t lupa, tricycle, motor, at tindahan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa trabaho.

Nalaman ng KAMI na ikinuwento rin ng Pinay OFW kung bakit wala siyang pag-aari na mamahaling alahas at cellphone.

Ayon sa ulat ng Expatreaders, ang netizen na si Mhai Mansueto San Pedro ay naglahad na sa isang mall ay may nakita siyang grupo ng mga khaddama o kasambahay. Lumapit siya sa mga ito para makisali sa usapan nila.

Isang babae umano ang tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Agad napansin ng babae na wala siyang suot na ginto at luma na ang cellphone niya.

“Pinansin ako ng isang babae. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay sabi, ‘Ate, bago ka lang?’ Sabi ko hindi, pangalawang kontrata ko na ‘to, kakabalik ko lang,” sabi ni Mhai.

“Sabi niya, ‘Ay, talaga? Bakit wala kang gold? (Siya kasi may mga gold) tapos, ‘Cellphone mo bakit basag?’ (Naka-I-phone kasi siya),” kwento pa niya.

Pinay OFW, kinuwento kung bakit wala siyang ginto at mamahaling cellphone

Photo from Expatreaders
Source: Facebook

Ipinaliwanag naman ni Mhai na hindi siya maluho kaya wala lang sa kanya ang mga mamahaling alahas at cellphone.

“Sabi ko, hindi kasi ako maluho. Okay na sa akin basta nagagamit siya,” aniya.

Ibinahagi ni Mhai na kahit wala siyang luho, may mga naipundar naman siya para sa pamilya niya. Nakapagpatayo umano siya ng bahay at nakabili ng motor at tricycle.

“Wala man aking material na bagay na nabili, nakabili naman ako ng lupa, nakapagpatayo ng bahay, nakabili ng motor at tricycle,” kwento ni Mhai.

Pinay OFW, kinuwento kung bakit wala siyang ginto at mamahaling cellphone

Photo from Expatreaders
Source: Facebook

Pinay OFW, kinuwento kung bakit wala siyang ginto at mamahaling cellphone

Photo from Expatreaders
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Plus, nakapagpatayo ng tindahan at higit sa lahat, naibibigay ko lahat ng gusto ng mga anak ko,” dagdag niya pa.

Paliwanag ni Mhai, mas importante para sa kanya ang kapakanan ng pamilya niya kaysa sa mga luho niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel