2 tanod na nang-upak ng matandang lalaki, sinibak na kakasuhan pa

2 tanod na nang-upak ng matandang lalaki, sinibak na kakasuhan pa

- Matapos mag-viral ang video kung saan kita ang pananakit ng dalawang napag-alamang tanod, agad na umaksyon ang mga awtoridad kaugnay nito

- Ayon sa ulat, sinibak na rin sa serbisyo ang mga tanod at haharap din sa kaso

- Umamin din ang mga ito na lasing sila noong nangyari ang insidente

-Depensa ng mga ito, inakala umano nila na ang biktima ang "tulak" na itinip sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral noong Disyembre ang video ng pananakit ng dalawang tanod sa isang matandang lalaki, agad na umaksyon ang mga awtoridad.

Nakilala ang biktima na si Ramil de Duzman na hinihintay lamang daw ang kapatid noong Disyembre 12, nang lapitan ng mga salarin.

Agad na idinulog ng pamilya ni de Guzman ang insidente sa mga awtoridad at napag-alamang sinibak na sa serbisyo ang dalawa na kinilalang sina Dominador Natividad at Martin Moscoso, ayon sa ulat ng GMA News.

Bukod sa pagkatanggal ng mga ito ay haharap din ito sa isinampang reklamo ni de Guzman na desididong ituloy ang kaso.

Samantala, umamin din ang dalawa na nakainom sila nang mangyari ang pananakit sa matandang lalaki.

Depensa pa ng dalawa, mayroon umanong nag-tip sa kanila na mayroong "tulak" sa lugar at napagkamalan nila ang biktima.

Humingi naman ang mga ito ng tawad sa kanilang nagawa.

Una nang naiulat ng KAMI nang kumalat sa social media ang CCTV footage na in-upload ng anak ni de Guzman.

"Wala ng mas sasakit pa na makita mo ang magulang mo na sinasaktan ng iba ng walang kalaban laban sa hindi maipaliwanag na dahilan"

"Masakit din isipin na Kung sino pa yung dapat na nagtatanggol sa mga naaapi at nangangailangan ng tulong sila pa yung kakakitaan sa pag gawa ng di maganda sa kapwa," ayon sa post ni Richard de Guzman.

Maraming netizens ang hindi natuwa at binatikos ang pangyayari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel