Kaanak ng pinatay na OFW sa Kuwait, hindi tatanggap ng 'blood money'
- Mariing sinabi ng mga magulang ni Jeanelyn Villavende na hindi sila tatanggap ng kahit na anong halaga ng 'blood money' mula sa mga amo ng pinaslang na anak
- Ayon sa tatay ng biktima, kawalang-respeto o insulto sa namayapang anak ito
- Hustisya pa rin ang panawagan ng mga ito kasunod ng karumal-dumal na sinapit ni Jeanelyn mula sa mag-asawang amo nito
- Ayon naman kay DFA Secretary Teddy Locsin Jr. patuloy nilang tinututukan ang kaso ng OFW para maparusahan ang mga salarin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Mariing sinabi ng mga magulang ng pinatay na overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende na hindi sila tatanggap ng anumang 'blood money' mula sa mga amo nito.
Ayon sa report ng Bombo Radyo Koronadal, sa panayam sa ama ni Jeanelyn na si Abelardo Villavende, sinabi nitong kaparusahan ang nais nito para sa mag-asawang suspek sa pagkamatay ng anak.
Dagdag pa ni Abelardo, kawalang-respeto o insulto ito sa namayapang anak.
Posible kasi na maabswelto ang mga suspek kung tatanggapin ng pamilya ni Jeanelyn ang 'Diyah" o 'blood money' na aabot umano sa KD10,000 o PHP1.7 million.
Ngunit hustisya ang panawagan ng pamilya ni Jeanelyn at ayon pa sa mga ito ay walang anumang halaga ang katumbas ng buhay ng dalaga.
Sa isang report ng , lumalabas na karumal-dumal ang sinapit ni Jeanelyn mula sa asawa ng amo. Basag umano ang ulo nito at 'black and blue' na nang dalhin sa ospital.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na sisiguruhin nilang mananagot ang mga suspek sa pagkamatay ng isa na namang Pinay sa Kuwait.
Ito ay sa kabila ng kasunduang pinirmahan ng Kuwaiti government at ng Pilipinas hinggil sa proteksyon ng mga OFW doon.
Agad ding nagpatupad ng 'partial deployment ban' ng lahat ng household workers doon ang gobyerno, na una nang naibalita ng .
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh