Aga Muhlach, naluha dahil sa isang contestant ng Wowowin

Aga Muhlach, naluha dahil sa isang contestant ng Wowowin

- Hindi napigilan ni Aga Muhlach ang maluha sa isang episode ng "Wowowin" kung saan ito nag-guest

- Ito ay dahil sa isang batang babae na contestant ng Kapuso program

- Naantig marahil ang damdamin ng aktor dahil sa tagos sa pusong mensahe ng bata at mga magulang nito sa isa't isa

- Umani naman ito ng sari-saring reaksyon sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Miracle in Cell no. 7-actor na si Aga Muhlach ang maluha sa isang episode ng Wowowin kung saan ito nag-guest.

Ito ay matapos na marinig ang mga mensahe ng isang batang babae na contestant sa nasabing Kapuso program.

Ang contestant na si Mela, isang batang biritera, ay nagpasalamat sa kanyang mga magulang na palaging nakasuporta sa kanya.

Anito, maswerte ito dahil ang ama't ina ang ibinigay ng Panginoon sa kanya.

Luhaan naman ang mag-anak dahil sa mensahe ng bawat isa.

Maging si Willie Revillame ay humanga rin sa pagmamahalan ng mga ito.

At nang ipokus na nga kay Aga ang camera ay nakita pa itong nagpapahid ng luha matapos ang tagos sa pusong eksena.

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon sa social media. Hindi rin pinalagpas ng ilang netizens ang batiin ang magaling na pagganap ni Aga sa Philippine adaptation ng sikat na Korean Movie na talaga namang humataw sa takilya noong nakaraang MMFF.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ariel Aquino Muhlach o mas kilala sa kanyang screen name na Aga Muhlach ay isang batikang aktor sa Pilipinas.

Kasal ito sa beaty queen at aktres na si Charlene Gonzales.

Mayroonng tatlong anak si Aga na sina Atasha Muhlach, Andrés Muhlach, Iggy Boy Muhlach.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel