Misteryosong sakit mula sa China, patuloy na binabantayan -DOH

Misteryosong sakit mula sa China, patuloy na binabantayan -DOH

- Patuloy pa rin ang pagbabantay ng DOH sa misteryosong sakit na mula sa China na hanggang ngayon ay hindi pa malaman ang dahilan

- Tinatayang nasa 44 katao na ang apektado ng virus na ito na hinihinalang nagsimula sa isang palengke sa Wuhan

- Ang mga tinatamaan daw ng virus na ito ay nagkakaroon ng lagnat at upper respiratory tract infection tulad ng ubo at sipon, at pneumonia.

- Bagamat, posibleng hindi ito kumalat sa bansa, nagpaalala pa rin ang DOH na panatilihing malinis ang sarili at paligid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy pa rin ang pagbabantay ng mga awtoridad sa misteryosong virus na nagmula raw sa China.

Ayon sa ulat ng GMA News, inutos ng Department of Health (DOH) ang mahigpit na pagbabanatay sa mga airport at pantalan sa bansa matapos ang pagkalat ng virus na pinaniniwalaang nagmula sa isang palengke sa Wuhan, China.

Base sa impormasyong nakarating sa DOH mula sa World Health Organization at China, hindi pa tukoy kung saan nagmula ang virus, ayon kay Undersecretary Eric Domingo.

Tinatayang nasa 44 katao na ang nagkaroon ng virus na ito at 100 ang patuloy na binabantayan dahil naka-ugnayan ito ng mga nagkaroon na ng virus.

Hindi pa rin malaman kung paano ito nahahawa sa iba.

Ang mga tinatamaan daw ng virus na ito ay nagkakaroon ng lagnat at upper respiratory tract infection tulad ng ubo at sipon, at pneumonia.

“Of the 44 cases, merong 11 who have severe pneumonia and all of the patients are being treated now in isolation," ani Domingo.

"Wala namang mortalities. Wala namang namatay dito sa sakit na ito. Pero lahat ng tests kasi na ginawa, negative siya for sars, for the flu virus. Negative din siya for avian flu o yung bird flu. We still do not know what the virus is,” dagdag pa nito.

Posible rin daw na hindi ito kumalat sa bansa dahil wala naman daw direktang flight mula sa Wuhan at lumalabas na hindi naililipat ang sakit ng tao sa tao.

“Sa atin, wala pa. Ever since we started to put our Bureau of Quarantine on alert nitong new year, wala pa naman tayong nare-report ng cases ng fever or penumonia or any viral respiratory tract infections especially coming from China or Hong Kong,” ayon pa kay Domingo.

Ganunpaman, muling nagpaalala ang DOH na panatilihing malinis ang sarili at paligid para makaiwas sa anumang sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel