Lalaki, inakalang may emergency ang kapitbahay dahil sa nakitang ‘S0S’ signal

Lalaki, inakalang may emergency ang kapitbahay dahil sa nakitang ‘S0S’ signal

- Nagmagandang loob ang isang lalaki matapos niyang makita ang diumano'y "SOS" signal sa katapat niyang apartment

- Agad siyang humingi ng tulong sa medic at tumawag ng pulisya upang rumesponde rito

- Subalit, nang dumating ang pulisya ay nalaman nilang iba pala ang nakalagay sa bintana ng apartment

- Ang inaakalang "SOS" signal ay balloons pala na para sa "2020" na ginamit bilang decoration noong Bagong Taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki sa China ang nagmagandang loob na tulungan ang apartment sa tapat ng tinitirahan niya dahil may nakita umano itong “SOS” signal.

Nalaman ng KAMI na hindi pala “SOS” signal ang nakita ng lalaki.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, ang “SOS” ay “2020” balloons na ginawang decoration para sa Bagong Taon.

Nakita ng lalaki ang inaakala niyang “SOS” signal noong Disyembre 31 mula sa 19th floor kung nasaan ang apartment niya.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa iba at tumawag na rin siya sa pulisya upang matugunan agad ang inaakala niyang emergency.

Nang puntahan ng pulisya ang apartment, doon na lang nila nalaman na balloons lang naman pala ito para sa pagsalubong sa “2020.”

Napagalamanan naman ng pulisya na ang babaeng nakatira sa apartment ay isang childcare teacher. Galing umano siya sa isang New Year’s party kung saan siya nagtatrabaho. Naisip niyang magandang gawing decoration sa bahay niya ang balloons na “2020” kaya inuwi niya ito.

Subalit, ang “0” na balloon ay nawalan na ng hangin kaya “202” na lang ang natira. Hindi rin nakita ng lalaki ang mga ito noong kumpleto pa.

Natawa na lang ang lahat nang malaman nila ang katotohanan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang SOS ay isang international signal para sa distress o emergency. Kalimitan itong ginagamit ng mga barko kapag sila ay nagkakaroon ng problema o humihingi ng tulong kapag nasa kalagitnaan ng dagat.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel