Pinay OFW, naging emosyonal dahil sa kakaibang New Year’s celebration kasama ang amo

Pinay OFW, naging emosyonal dahil sa kakaibang New Year’s celebration kasama ang amo

- Isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang nagbahagi ng kanyang karanasan nitong sumapit ang Bagong Taon

- Kwento niya, may pa-cake at nagbigay pa ng cash ang kanyang amo sa kanila doon sa Saudi Arabia

- Labis naman ang tuwa ng Pinay OFW dahil parang pamilya na ang turing sa kanila ng amo niya

- Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa sa trato ng mga amo sa mga kasambahay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang kanyang kakaibang experience kasama ang amo niya.

Nalaman ng KAMI na tila na-touch ang netizen dahil parang pamilya na ang turing sa kanila ng amo nila. Ramdam na ramdam niya ang malasakit nila sa kaniya.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Avein Sealo Alyn na may binigay pang cake at pera ang amo nila bilang regalo sa Bagong Taon.

“Share ko lang mga kabayan... first new year ko dito sa amo ko... nkktouch ung way nila ng pagbati sa amin ng happy new year,” giit nito.

“Mixed emtion at super blessed n kpamilya ang turing nila sa akin,” dagdag niya pa.

Kwento ni Avein, mabait talaga ang mga amo nila. Ang lalaki raw ay doktor at may kaibigang Pilipino kaya alam nila ang mga kultura at tradisyon sa Pinas.

Nasa 200 riyal umano ang nakuhang hadiya ni Avein mula sa mga amo niya.

Laking pasalamat naman ng Pinay OFW na mabuti ang kalooban ng mga amo niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, natuwa rin naman ang ilang mga netizens sa kabaitan ng amo ng Pinay OFW. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Sana all”
“Buti pa siLa... Dto dko manLang mabate mga amo q hahahaha Muslim kc puro dasaL maririnig q”
“Pinagpala sana marami pang ganyan na Amo.”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel