Kakaibang version ng 'Tala dance' ng isang babae, ibang level ang aliw

Kakaibang version ng 'Tala dance' ng isang babae, ibang level ang aliw

- Ibang level ang energy ng isang babae na kumasa sa viral ngayon na Tala dance craze ni Sarah Geronimo

- Umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang version nito ng ngayo'y kinagigiliwang sayaw

- Sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 800K ang views ng nasabing viral video

- Kabi-kabila na rin ang version ng Tala dance craze na kinasahan na rin maging ng ilang celebrities

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibang level ang ipinakitang energy ng isang babae na kumasa na rin sa kinagigiliwang 'Tala dance craze' sa social media.

Ngunit ang version na ito ng babae, talaga namang agaw atensyon dahil sa kanyang bigay-todong giling.

Sa video na in-upload ng netizen na si Terenz Andrew Brown, umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang kakaibang version ng babae na tampok dito.

Tila kasi binigyan nito ng kakaibang twist ang patuloy na nag-ba-viral na dance craze na pinasikat ni Sarah Geronimo.

Mukhang hindi ito nagpaawat at talaga namang ibinigay ang lahat ng kanyang energy sa kanyang dance moves!

Hindi tuloy maiwasan ng ilang netizens ang maaliw at mawindang dito.

"Hahahahaha ibang klase."
"Kala ko lilipad na (laughing emoji)."
"kala ko tlga hihiwalay na mars haha kinabahan ako lol."
"Parang awa mu na Angel pumayag ka ng ipagamot, kame na bahala sa gastos hahaha."
"Ate easy lang baka makalas buto natin hahahaha."
"Di kba nahilo jan hahahah."
"Juzko kinakabhan ako baka kako mahampas ulo mo sa pader hahahahahaha."
"Taas po natin ang kamay natin at ipalayas ang masamang kaluluwa na sumapi."
"Hahaha nag viral na aswang tala nya."
"HAHAHAHA TALA buang version."

Sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 800K ang views ng nasabing video.

Samantala, kaliwa't kanan pa rin ang kumakasa sa 'Tala dance craze' at kahit mga celebrities hindi na rin nagpaawat dito!

Kamakailan lang ay mabilis na nag-viral ang video ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang version ng Tala, na una nang naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel