Dahil sa iresponsableng driver: Isang buong pamilya, pinaglamayan sa pagpasok ng 2020

Dahil sa iresponsableng driver: Isang buong pamilya, pinaglamayan sa pagpasok ng 2020

- Isang buong pamilya ang pumanaw sa isang aksidente na naganap sa bisperas ng bagong taon

- Bunga raw ito ng mga van na nagkakarera at sumalpok ang isa sa sinasakyang tricycle ng mag-anak

- Nakatakas ang driver ng van na kalaunan ay sumuko rin

- Nadurog ang puso ng netizens sa sinapit ng mag-anak na imbis na masayang sasalubungin ang bagong taon, nauwi ito sa isang malagim na trahedya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng mag-anak na nasawi sa aksidenteng naganap sa Mulanay, Quezon noong bisperas ng bagong taon.

Ayon sa ABS-CBN news, kasama ring nasawi nina Benny at Cristy Reymundo ang 2 nilang batang anak at kapatid ni Benny na si Manny.

Nagkakarera o nagpapaunahan daw ang dalawang van nang biglang sumalpok ang isa sa sinasakyang tricycle ng mag-anak.

Lumabas sa imbestigasyon na tubong Pagbilao, Quezon ang mag-anak ngunit sa bayan ng San Andres sa Mulanay nila sasalubungin sana ang bagong taon.

Nakatakas pa noon ang driver ngunit marahil dala ng kanyang konsensya, sumuko na rin ito matapos mag-viral ang post ng Tagkaro sa lamay ng mag-anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala ang suspek na si Arnel Auriada na mismong humarap sa hepe ng pulisya sa Mulanay.

Samantala, labis ding sumama ang loob ng netizens sa driver. Dahil daw sa pagiging iresponsable nito, isang pamilya ang nagbuwis buhay. Imbis na masaya sana nilang sasalubungin ang 2020, nauwi sa malagim na trahedya ang kanilang bagong taon.

Magsilbing babala sana ang pangyayaring ito sa mga nagmamaneho ng sasakyan. Maging responsable dapat sa lahat ng oras at may mga taong nag-iingat na nadadamay dahil lamang sa kapabayaan ng iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel