Lola na nagbabasa ng bibiliya sa labas ng kanyang bahay, naka-inspire sa maraming netizens

Lola na nagbabasa ng bibiliya sa labas ng kanyang bahay, naka-inspire sa maraming netizens

- Agaw-pansin sa social media ang larawan ng lola na nagbabasa ng Bibliya

- Wala raw koneksyon ng kuryente ang bahay ng matanda kaya sa labas siya nagbabasa

- Sa kabila ng kawalang ito, wala pa ring nakapigil sa lola na magbasa ng mga salita ng Diyos

- Na-inspire ang maraming netizens sa simpleng larawan ng lola na magandang makita sa pagsisimula ng taon

- Umani rin ng papuri ang matanda dahil sa pagpapakita ng tatag ng kanyang pananampalataya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang simpleng larawan ng isang lola na nagbabasa ng Bibliya sa labas ng kanilang bahay.

Binahagi ito ng Facebook page na Issues International at pumukaw ito sa puso ng mga netizens.

Nalaman ng KAMI na wala raw kuryente ang bahay ng matanda ngunit gumawa pa rin siya ng paraan para makapagbasa ng salita ng Diyos.

Ayon sa post, kaysa magbahagi ng kung ano-ano lamang na post, mas magandang ito ang makita lalo pa sa pagpasok ng bagong taon.

Umani ng papuri ang lola dahil sa pagpapakita ng tatag ng kanyang pananampalataya sa kabila ng kanyang edad.

Tunay na nagbibigay inspirasyon ang larawan ng lola at isa raw itong magandang halimbawa ng pagiging malapit sa Diyos kahit pa dumaranas na siya ng matinding pagsubok sa buhay.

Pamarisan daw sana ng marami ang lola na sa kabila ng mga kaguluhang nagaganap sa mundo, pinili pa rin niyang magpakabuti at mapalapit sa kinikilala niyang Panginoon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens:

"God bless po nanay ko, Bigyan pa kau ng long long life Good health at sana po umabot din ak sa ganyang age nanay always positive nanay, More blessings to come po"
"Sila ang totoong mayaman at at ipag papala ng may kapal lalo na sa kaharian niya.."
"Kapos mn sa makamundong bagay pero sa langit magiging masagana ang kanyang buhay."
"God bless po nanay ..more new years to come po sa inyo ..saludo po ako sa inyo nanay at nakakabsa p kyo ng bible maayus p po anf paningin nyo at yan ay pagpapala ng panginoon sa inyo ..."
"God bless you nanay .alam ni God ang hinihiling upo sa kanya..naway pag palain po kayu ng may kapal.."
"Yung iba nga..puro daing sa buhay sasabihin ang hirap ng buhay.. Haha...Kaya pasalamat nlng kau kung anung meron kau..tgnan mo si lola...lahat dinadaan mga suliranin kay God"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel