Reaksyon ng isang tatay sa sorpresa ng kanyang dalawang anak, priceless

Reaksyon ng isang tatay sa sorpresa ng kanyang dalawang anak, priceless

- Nakakaiyak ngunit tagos sa puso ang reaksyon ng isang ama sa sorpresang bigay ng kanyang mga anak

- Sa pamamagitan ng isang Facebook video, kita ang "priceless reaction" na umantig sa puso ng marami

- Hindi naman daw inasahan ng dalawang anak nito ang naging reaksyon nito sa simpleng regalo nila para rito

- Maging ang mga netizens, touched na touched din sa viral video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Priceless, ganito mailalarawan ang naging reaksyon ng isang ama sa isang viral video dahil sa sorpresang bigay sa kanya ng mga anak.

Sa pamamagitan ng isang Facebook video na in-upload ng netizen na si Monića Villanueva, kita ang "priceless reaction" na umantig sa puso ng marami.

Sa post ni Villanueva, nanenermon pa noong una ang kanilang ama dahil sa makalat ang kanilang bahay.

Ngunit ayon sa dalaga ay sinadya nilang huwag maglinis at magkalat para sermonan sila ng ama.

Kunwari pa ay ipinapakita lamang ng dalaga ang sapatos na binili nito para sa sarili.

Ngunit nagtaka naman ito nang makitang panglalaki ang sapatos. Doon na sinabi ng dalawa na regalo nila ito para rito.

"hindi talaga kame naglinis ng bahay,para pag uwi nya galit sya at masermonan kame HAHAHAHAHAHA sorry pa kailangan kapa nameng iprank at palabasin na hindi para sayo yung sapatos. wag na iyak,iloveyou!" anito sa caption kasama ng video.

Maging ang mga netizens ay touched na touched din sa reaksyon ni tatay mula sa simpleng regalo ng mga anak.

Mula naman sa comment section ng nasabing viral video, sinabi ni Villanueva na: "iloveyousomuch papa!! sa susunod original na mga sapatos na bibigay namen sayooo."

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit dalawang milyon ang views nito at umani na rin ng 121K reactions mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Aso
Online view pixel