Babae, nirescue ni idol Raffy mula sa nanay na ayaw sa BF na walang car at bahay

Babae, nirescue ni idol Raffy mula sa nanay na ayaw sa BF na walang car at bahay

- Hindi pinalagpas ni Raffy Tulfo ang hinaing ng isang lalaki na nawalan ng karapatan sa kanyang mag-ina dahil sa nanay ng GF nito

- Una nang idinulog ng lalaki ang problema niya sa nanay ng GF dahil nais daw sana nitong makuha ang mag-ina

- Maging ang apelyido ng kanilang anak ay hindi rin daw sa kanya dahil ayaw ng kaanak ng nobya

- Sa tulong naman ng programa ni Tulfo ay nasundo at nakasama ng lalaki ang kanyang mag-ina

- Habang ang nanay ni GF ay umeskapo na bago pa man maabutan ng mga Raffy Tulfo in Action team at ng mga awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mai-ere ang reklamo ng sales associate na si Larry Sola Jr. sa programa ni Raffy Tulfo ay agad na kumasa ng rescue operation ang team ng porgrama sa tulong na rin ng mga awtoridad.

Ayon kasi sa reklamo ni Larry, ipinagkait sa kanya ang karapatan sa kanyang mag-ina ng mismong nanay ng kanyang niyang si Cladette de Guzman na kapapanganak pa lamang.

Bukod sa hindi niya makasama ang mga ito ay hindi rin daw ipinagamit sa kanyang anak ang kanyang apelyido.

Dahil dito, napilitan na raw itong idulog sa programa ang kanyang problema na agad namang inaksyunan ni idol Raffy.

Anito, labag sa batas ang ginawa ng ina ni Cladette na si Eva dahil nasa tamang edad na ito.

Pero bago pa man makarating ang team at ang mga awtoridad sa bahay ng mga De Guzman ay umalis na ang ginang at iniwan ang anak.

Mariin namang itinanggi ni Eva ang mga reklamo ni Larry. Dagdag pa nito, namatayan umano ito ng mga kapatid kung kaya siya ay nagluluksa pa. Sana raw ay hinintay muna ito ng dalawa.

Umiiyak din ito nang muling makausap ng programa at sinabing hindi na raw nito guguluhin pa ang anak at si Larry.

Una nang ibinahagi ni Larry na hindi raw siya aprub kay Eva dahil wala raw siyang sariling bahay at sasakyan, na harapan pa umanong sinabi nito sa kanya noon.

Samantala, magkasama na sina Larry at Cladette at tinanggap ang alok ni Tulfo na tulungan ang mga ito na makalipat ng tirahan, malapit sa trabaho ni Larry.

Napag-alaman kasi na tumira si Larry sa isang paupahan malapit kina Cladette upang mapalapit sana sa kaanak ni Cladette.

Hindi na rin itinuloy ni Larry ang mga reklamo laban sa pamilya ni Cladette.

Pinuri naman ni idol Raffy ang naging desisyon ni Larry na ipaglaban ang kanyang mag-ina mula sa anito'y matapobreng kaanak ng nobya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naibalita ng KAMI nang idulog ni Larry ang kanyang reklamo laban sa pamilya ng nobyang si Cladette.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel