Groom, nagwala sa mismong kasal dahil daw sa pamamahiya ng ama sa kanyang bride

Groom, nagwala sa mismong kasal dahil daw sa pamamahiya ng ama sa kanyang bride

- Mabilis na nag-viral ang video ng pagwawala ng groom sa kanya mismong kasal

- Ito ay matapos na akusahan daw ng ama ng groom na ginayuma lamang ito ng kanyang bride

- Nagbasag ng mga champagne glasses ang groom na agad naman ding napigil ng bride

- Nakaramdam din ng takot ang mga bisita ngunit minabuti pa ring pumirmi sa kanilang mga kinauupuan

- Sinasabing ayaw daw kasi talaga ng ama ng lalaki sa bride nito dahil sa ito raw ay di bagay sa estado ng kanilang pamumuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena ang ginawa ng isang groom sa Vietnam na ikinasal noong Disyembre 31.

Imbis na maging masaya ang pagtatapos ng taong 2019 para sa kanila, nagi itong di malilimutang okasyon dahil sa di kaaya-ayang pangyayari.

Ayon sa viral video na binahagi sa YouTube, nagwala ang groom dahil umano sa pamamahiya ng kanya mismong ama sa bride.

Nang pagsalitain kasi sa entablado ang ama, sinabi nitong gumamit daw ang bride ng kulam o gayuma upang pakasalan siya ng groom.

Labis na ikinagalit ito ng groom kaya naman nakuha niyang basagin ang mga champagne glasses na malapit sa kanilang kinatatayuan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinagsisipa rin niya ang mesa sa labis na sama ng loob. Agad naman siyang nayakap ng kanyang bride at saka lamang ito tumigil sa pagwawala.

Mapapansing naalarma ang kanilang mga bisita sa nangyari ngunit karamihan naman ay pumirmi pa rin naman sa kanilang kinauupuan.

Matapos ang naging eksena, humingi ng paumanhin ang groom sa nasaksihan ng mga bisita at inamin na nagawa lamang niya ito dahil sa inasta rin ng kanyang ama.

Tutol daw kasi talaga ang ama ng lalaki sa pinakasalan nito dahil sa di pareho ang estado ng kanilang buhay.

Narito ang kabuuan ng viral video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel