Estudyanteng nagtitinda ng pastillas, naluha sa di inaasahang tulong mula sa mga nag-iinuman

Estudyanteng nagtitinda ng pastillas, naluha sa di inaasahang tulong mula sa mga nag-iinuman

- Marami ang napaluha sa viral video ng isang estudyanteng nagtitinda ng pastillas

- Sa umpisa kasi ng video, aakalaing nangti-trip lang ang lalaking nag-iinom sa naglalako ng pastillas

- Nang inalam ng lalaki kung magkano ang kinikita ng estudyante, binayaran na lamang niya ito at sinabing bukas na ibenta ang mga paninda

- Bisperas na kasi ito ng bagong taon kaya naman sinabi ng lalaki na dapat makauwi na ang estudyante sa pamilya nito

- Naluha ang nagtitinda ng pastillas habang nagpapasalamat dahil sa 'di inaasahang tulong na ito na kanyang natanggap

- Bago pa makalayo ang estudyante, sinabi pa ng lalaki na ipaalam sa kanya kung nakatapos na siya ng pag-aaral at sagot na raw nito ang panghanda ng estudyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakakaantig na video ng isang estudyanteng lakas loob na lumapit sa mga nag-iinuman para magbenta ng paninda niyang pastillas.

Binahagi ng SabrinaCio footwear sa kanilang Facebook page ang video kung paano nila sinurpresa ang estudyante.

Sa umpisa ng video, aakalaing tila pagtitripan lang ng lalaking nakikipag-inuman ang estudyanteng nagbebenta sa kanila ng pastillas.

Nagawa kasi nitong mag-interview muna sa estudyante na tila nakakaramdam na rin ng kaba.

Tinanong ng lalaki kung bakit ginagawa ito ng tindero, at sinabi niyang para ito sa kanyang pag-aaral.

Nang nalaman ng lalaki na nasa ₱1,000 ang kikitain ng estudyante kung maibenta niya lahat ng paninda, nagdesisyon siyang bigyan na lamang ito ng ₱1,000 upang makauwi na at bukas nalang ibenta ang mga paninda.

Di nagtagal, naisipan pa ng lalaki na gawing ₱1,500 ang ibibigay sa estudyante dahil bisperas na noon ng bagong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naluha talaga ang estudyante nang ibigay sa kanya ang pera at di kinuha ang mga pastillas na maari pa niyang ibenta kinabukasan.

Sabi pa ng lalaki, galing daw sa "itaas" ang biyayang iyon at doon dapat ding magpasalamat.

Niyakap pa niya ang estudyante na noo'y lalo pang naiyak at habang papalayo ito, sinabi pa ng lalaki hanapin ng estudyante ang SabrinaCio footwear sa Facebook na kanilang pagmamay-ari para malaman nila kung ga-graduate na ito.

Sila na rin daw kasi ang sagot sa handa ng estudyante.

Labis na hinangaan ng mga netizens ang pamilyang may-ari ng SabrinaCio footwear sa Bulacan dahil sa pagtulong nila sa estudyante at sa pagbabahagi ng biyayang patuloy nilang tinatanggap.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel