Pinoy YouTuber na si Bretman Rock, nag-sorry kaugnay ng "Lupang Hinirang" isyu

Pinoy YouTuber na si Bretman Rock, nag-sorry kaugnay ng "Lupang Hinirang" isyu

- Bago matapos ang taong 2019, kumalat ang video ng Pinoy YouTuber na si Bretman Rock na nag-te-twerk habang tinutugtog ang Lupang Hinirang

- Kamakailan lamang ay humingi ng paumanhin si Rock sa pamamagitan ng social media sa kanyang naging aksyon

- Kasunod ito ng pagbibigay ng babala ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) kaugnay ng paglabag sa Flag Law

- Matatandaang marami ang bumatikos sa viral video na ito ni Rock na in-upload nito sa kanyang IG stories

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi na ng paumanhin ang Hawaii-based Filipino YouTuber na si Bretman Rock hinggil sa kumalat na video nito na nag-te-twerk habang tinutugtog at inaawit ang "Lupang Hinirang", na una nang naibalita ng KAMI.

Bago matapos ang taong 2019 kumalat sa social media ng video na ito ni Rock na orihinal nitong in-upload sa kanyang Instagram stories.

Kasunod nito, nagbigay naman ng babala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) hinggil sa paglabag sa Flag Law.

Sa isang statement, sinabi ng NHCP na may karampatang parusa ang sinumang lumabag dito, matapos makatanggap ng ilang reklamo kaugnay nito, bagama't hindi nabanggit ang pangalan ni Rock dito.

"[D]ancing to the national anthem as shown in the video abovementioned, therefore constitutes a violation of the flag law," ayon sa statement.

Nauna nang sinabi ng isang netizen na agad namang binura ni Rock ang naturang video.

"I just want to inform y'all, the video of Bretman singing and disrespecting our national anthem on his story was 3 mos ago. and he deleted it immediately and HE APOLOGIZED IMMEDIATELY. I HOPE U CONSIDER THAT," ayon sa Twitter user na si @andrengsam.

Nag-reply naman sa tweet na ito si Rock at sinabing: "Thank you so much for understanding, I can promise you it will never happen again, I take full responsibility and I truly am so sorry."

Matatandaang umani ng batikos ang naturang video ni Rock.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel