Coleen Garcia, nilinaw ang lumabas na isyu tungkol sa kanila ni Anne Curtis

Coleen Garcia, nilinaw ang lumabas na isyu tungkol sa kanila ni Anne Curtis

- Nilinaw ni Coleen Garcia ang tungkol sa lumabas na isyu na nagkairingan diumano sila ni Anne Curtis

- Lumabas ang isyung ito matapos kumpirmahin ng maybahay ni Billy Crawford na hindi na siya magiging bahagi ng It's Showtime

- Gayunpaman, paglilinaw ni Coleen hindi sila kailanman nagka-iringan ni Anne

- Inimbitahan pa diumano siya ni Anne sa event ng kanyang kumpanyang BLK sa Australia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Coleen Garcia ang tungkol sa lumabas na isyu tungkol sa diumano'y naging dahilan ng kanyang pagkawala sa It's Showtime. Matatandaang taong 2016 nang kumpirmahin niyang hindi na siya mapapanood sa nasabing noontime show.

Lumabas ang tsismis na diumano'y nagkairingan sila ni Anne Curtis kaya siya umalis. Sa isang ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Coleen na hindi sila kailanman nagkairingan ni Anne. Sa katunayan daw ay naimbitahan siya nitong sumama sa event ng kanyang kompanyang BLK na idinaos sa Australia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Never kami nagka-anything (iringan). I mean she even invited me sa BLK in Australia after everything. I don't know, siguro mga tao lang ang gumagawa ng drama. I mean it's always exciting when there's drama but with us, never naman nagka-fight, tampuhan or anything," paglilinaw ng maybahay ni Billy Crawford.

Ayon pa kay Coleen isa si Anne sa mga taong unang nagreach out sa kanya nung lumabas ang isyu.

“Noong time na 'yun kasi ang daming isyu na lumalabas. It wasn't just that. Although, I did adjust with these before as far as I remember. Actually noong nawala ako sa 'Showtime,' isa siya sa unang nag-text sa akin," aniya.

Wala muna sa plano nang TV host-actress ang magbalik sa Kapamilya noontime show. Mas nai-enjoy niyang gawin ang ibang bagay at ang pagiging maybahay ni Billy.

Sa naunang ulat, kinumpirma ni Coleen na magkasamang nagdiwang ng bagong taon sina James Reid at Nadine Lustre. Ito ay sa gitna ng usapin tungkol sa diumano'y paghihiwalay nila.

POPULAR: Read more about Coleen Garcia here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel