Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang binubuong tahanan sa Siargao

Andi Eigenmann, ipinasilip ang kanilang binubuong tahanan sa Siargao

- Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang isang video kung saan ipinakita niya ang bahay nila ng kanyang pamilya sa Siargao

- Hindi pa ito tapos pero ayon sa aktres, pinaghirapan nila ito at unti-unti na rin itong nabubuo

- Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao kung saan malapit sila sa tabing dagat

- Hinangaan ng mga netizens si Andi sa kanyang pagiging totoo at sa pagpili niya sa simpleng pamumuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa isang YouTube video ng kanilang pinapatayong bahay sa Siargao. Kasalukuyan pa itong pinapagawa pero naibahagi ng aktres ang ilang silid at backyard ng kanilang bahay. Ayon pa sa kanya, little by little, mabubuo din ang kanilang bahay na pinaghirapan nila maipatayo.

Makikita din sa vlog na ibinahagi ni Andi ang simpleng pamumuhay nila kagaya ng pagsakay sa tricycle na hindi pangkaraniwang nakikita lalo na sa mga sikat na artistang kagaya niya.

Kapansin-pansin din na magkatuwang sila ng kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo sa pag-alaga sa kanilang anak.

Kagaya ng isang normal na bata, nakikipaglaro din si Ellie sa ibang bata.

Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa kauna-unahang vlog ni Andi. Umabot na ito sa 1.6 Million views ilang araw pa lamang ang nakakaraan mula nang ito ay kanyang i-upload sa YouTube.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, model and endorser. Siya ang anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil. Nagkaroon siya ng anak sa dating nobyo na si Jake Ejercito. Kasalukuyan siyang nainirahan sa Siargao kasama ang ama ng kanyang pangalawang anak.

Sa naunang ulat, masayang ipinakilala ni Andi ang anak ni Philmar.

POPULAR: Read more about Andi Eigenmann here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel