Jon Gutierrez, umakyat sa puno ng mangga para pasayahin ang asawang si Jelai Andres

Jon Gutierrez, umakyat sa puno ng mangga para pasayahin ang asawang si Jelai Andres

- Hindi nag-atubiling umakyat sa puno ng mangga si Jon Gutierrez

- Ito ay para makakuha ng mangga para sa kanyang asawang si Jelayi Andres

- Hindi niya pinaalam na sa kanya galing ang mangga pero inihatid niya ito sa bahay nina Jelai

- Tuwang-tuwa naman ito nang makitang masaya ang asawa habang kinakain ang manggang binigay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling gumagawa ng paraan si Jon Gutierrez upang mapalapit sa kanyang asawang si Jelai Andres. Kaya naman, nang makita niya ang post ni Jelai tungkol sa kanyang pagnanais na kumain ng mangga, naisip niyang magandang pagkakataon iyon.

Kasama ang kanyang dalawang kaibigan, kumuha sila ng mangga. Sinubukan pang akyatin ni Jon ang mangga pero hindi niya iyon kinaya at nagpasyang babatuhin na lamang nila ang mga bunga.

Nang makakuha na ng mga mangga, nagtungo silang tatlo sa bahay nila Jelai. Wala diumanong tao sa bahay ng asawa niya kaya naisabit niya as gate ang supot na naglalaman ng mangga at sulat.

Kinaumagahan, sinorpresa si Jon ng kanyang kaibigan at pinakita na natanggap ni Jelai at nagpasalamat pa ito sa kanyang secret admirer habang nilantakan ang mangga.

Bakas naman sa mukha ng Ex-Battalion member ang saya nang makitang kinain ni Jelai ang mga mangga.

Marami sa mga fans ng tambalan nila na kilala bilang Jolai ang natuwa at humiling na sana ay magkabalikan na silang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nana iniulat ng KAMI ang tungkol sa naging reaksiyon ni Jelai sa madamdamin at nakakaiyak na video ni Jon.

Nakilala sina Jon at Jolai sa social media dahil sa kanilang nakakaaliw na videos. Sa kasalukuyan, isang Kapuso actress si Jelai na dating cover girl ng FHM Magazine. Si Jon naman ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel