Video ng misis na bantay sarado ang mister, kinagiliwan ng mga netizens

Video ng misis na bantay sarado ang mister, kinagiliwan ng mga netizens

- Viral online ang nakakatuwang ginawa ng isang misis sa kanyang mister na nakikipagsayaw sa ibang babae

- Makulit kasi ang kinalabasan ng video kung saan nakaisip ng diskarte ang misis kung paano mapipigilan ang mister sa pakikipagsayaw sa babaeng bokalista ng banda

- Mapapansing walang nagawa ang mister at ang kanyang misis na lamang ang nakipagsayaw sa babae

- Kitang-kita rin ang reaksyon ng mister na nadismaya sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa viral video na binahagi ni Poernomo RayhanSakhi dahil sa makulit na diskarte ng misis kung paano mapipigilan ang mister na nakikipagsayaw na sa ibang babae.

Makikita sa video na babae ang bokalista ng banda at habang kumakanta ito, tumayo ang mister at nakipagsayaw.

Di nagtagal, lumapit ang misis at ibinigay sa mister ang kanilang anak.

Walang nagawa ang mister kundi kunin at kargahin ang kanilang anak habang ang misis na niya ang nakikipagsayaw sa bokalista ng banda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kitang-kita ang pagkadismaya ng mister, habang tuwang-tuwa naman ang misis na nakaisip ng makulit na diskarte para mailayo ang asawa sa babae.

Makikinig ang hiyawan ng mga naroon na natawa na lamang sa pangyayari.

Umabot na sa mahigit 4.5 million ang views ng nakakaaliw na video na ito:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel