Chariz Solomon, nanggalaiti sa matandang babaeng nanigaw sa kanyang anak

Chariz Solomon, nanggalaiti sa matandang babaeng nanigaw sa kanyang anak

- Hindi pinalamapas ni CHariz Solomon ang ginawa ng isang dayuhang matanda sa kanyang anak

- Sinigawan at sinaktan diumano ng matanda ang anak niya matapos nitong maapakan ang daliri ng apo nito

- Katwiran naman ni Chariz, pinabayann lang ng lola ang kaniyang apo na halos dalawang taong gulang pa lamang

- Hindi siya nagpatinag at nagbantang tatawag ng pulis dahil walang karapatan ang matanda na saktan at sigawan ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Chariz Solomon ang matandang babaeng nanigaw at nanakit sa kanyang anak. Inaway at sinigawan niya din ang matanda dahil sa ginawa nito sa kanyang anak.

Ayon pa sa kanya, kitang-kita niya kung paano nito pinagalitan at sinaktan ang 4-year-old niyang anak na lalaki habang nasa indoor playground sa isang malaking mall sa Mandaluyong City.

Ibinahagi ni Chariz ang buong pangyayari sa kanyang Facebook account.

“Soooo may humabol pa akong away bago matapos ang 2019 ko,” panimula ng niya.

Unang pagkakataon daw itong napaaway siya dahil sa kanyang anak.

“Nagre-register ako sa Kidzoona Shangri-La and my boys were behind me playing with each other, when I hear an old lady sharply shouting in Chinese.

Ibinahagi niya ang naging dahilan kung bakit nagalit ang matanda.

“I turned around and sakto, I saw her hit my son’s leg. At sinisigawan n’ya ng bonggang- bongga ang mga anak ko dahil tinapakan daw ang daliri ng apo n’ya na I think less than 2-years-old na pinabayaan n’yang maglaro sa sahig."

Hindi din siya nagpatinag matapos sumigaw sigaw in Chinese ang matanda. Aniya, wala silang karapatang saktan at sigawan ang anak niya dahil aksidente ang nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Ayaw pa tumigil. Sabi ko, o di sige tatawag ako ng pulis. Padampot ko sila, sinaktan nila anak ko. Paulit- ulit lang ‘yung sinabi ko," kuwento pa ng Kapuso comedienne.

Nagdilim na rin daw ang paningin niya at hindi na rin makatingin sa kanya ang matanda at ang ina ng bata.

Buwelta pa ni Chariz, may pagkukulang ang kasama ng bata kaya ito nasaktan, "Hindi mo dapat pinababayaan ‘yung apo mo na less than 2-years-old na gumagapang sa receiving area ng Kidzoona."

Minabuti na lamang niyang lumipat ng ibang playground matapos niyang makitang pumasok ang matanda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel