Anak ng bumberong nasawi sa Australia bushfire, tinanggap ang parangal para sa ama

Anak ng bumberong nasawi sa Australia bushfire, tinanggap ang parangal para sa ama

- Emosyonal ang seremonya ng paghahatid sa huling hantungan ng isa sa dalawang bumbero na nasawi sa bushfire sa Australia

- Magkasama ang dalawang bumbero nang mabagsakan ng puno ang kanilang sasakyan

- Suot ang kanyang pacifier at firefighter uniform, walang kaalam-alam ang wala pang dalawang taong gulang na bata na pinararangalan na pala ang amang yumao na

- Dumalo rin sa funeral service ng bumbero sina Australian Prime Minister Scott Morrison at asawa nitong si Jenny

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging lalong emosyonal ang tagpo sa libing ng bumbero na si Geoffrey Keaton na nasawi sa bushfire sa Australia.

Ayon sa ulat ni Dominic Rech ng CNN, tinanggap ng 19 na buwang anak ni Keaton ang medal of honor ng ama dahil sa katapangang pinakita nito sa pagresponde sa malaking sunog sa kanilang bansa.

Nalaman ng KAMI na kasama rin ng 32-anyos na bumbero si Andrew O'Dwyer nang mabagsakan ang kanilang sasakyan ng nasusunog na puno na naging dahilan ng kanilang pagkasawi noong Disyembre 19.

Suot ang kanyang firefighter uniform at pacifier, tinanggap ni Harvey ang parangal para sa kanyang ama na iginawad ni (NSW) Rural Fire Service Commissioner Shane Fitzsimmons.

Mapapansing emosyonal si Fitzsimmons habang ikinakabit ang medalya sa walang kamalay-malay pang si Harvey na naulila na ng ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dumalo si Australian Prime Minister Scott Morrison at asawa nitong si Jenny sa funeral service ni Keaton.

Samantala, nasa state of emergency na ang bansa lalo pa at di nila masabi kung kailan mahuhupa ang nagaganap na sunog na kumitil na sa 17 na katao.

Maging ang mga hayop din ay nagsisilikas na at humihingi ng tulong sa kani-kanilang paraan dahil sa dinaranas na sunog sa kanilang lugar.

Samantala, bukas naman para sa mga donasyon ang NSW Rural Fire service para sa mga volunteer fire fighters lalo na sa mga nasawing bumbero at pamilya nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel