Couple sa viral na KFC proposal, bongga ang wedding pati na rin ang honeymoon

Couple sa viral na KFC proposal, bongga ang wedding pati na rin ang honeymoon

- Ikinasal na ang noo'y magkasintahan pa lamang sa viral na KFC proposal

- Gumawa ng ingay ang simpleng proposal nang kutyain ito ng iang netizens at nasabihang "cheap"

- Dahil naman sa pambabatikos na ito, umani ng simpatya ang dalawa kaya naman dinagsa sila ng mga sponsors

- Isa na rito ang KFC South Africa na binigyan pa sila ng all-expenses-paid trip sa Amerika para sa kanilang honeymoon

- Bongga rin ang kanilang kasalan na dinaluhan ng sikat na mga personalidad sa kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nag-abang sa pag-iisang dibdib nina Hector at Nonhlanhla na ginanap noong Disyembre 31 sa South Africa.

Sila ang nag-viral na couple sa KFC proposal na gumawa ng ingay noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nalaman ng KAMI na habang ang ilan ay kinilig sa simpleng proposal, may ilan namang nagawa pa itong kutyain at sinabihan itong "cheap" dahil sa fast food lamang ito ginanap.

Ngunit dahil sa pambabatikos at pangungutya sa KFC proposal na ito, umani naman sila ng simpatya sa karamihan.

Ito rin ang dahilan kung bakit dumami ang sponsors para sa kanilang kasal at naisakatuparan nila ang isang bonggang wedding.

Mapapansin na hindi basta-basta ang preparasyon sa kasal mula sa gown at suit na suot ng dalawa hanggang sa detalye ng simbahan at reception, kitang-kita na umapaw ang tulong para sa kanila.

Dinaluhan ito ng mga sikat na personalidad sa kanilang bansa at nakisaya sa mga panauhin nina Hector at Nonhlanhla.

Di lamang doon nagtatapos ang masayang pag-iisang dibdib ng dalawa. Niregaluhan din sila ng KFC South Africa ng isang all-expenses-paid trip sa New York na pinapangarap lamang noon ni Nonhlanhla.

Bagaman at ikinasal na sila noong 2012, nais daw ni Hector na bigyan ng magandang singsing ang misis na nauwi pa sa isang kasalang di nila malilimutan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel